“Tingin ko ay dapat na tayong mag umpisa.” Pag iiba sa usapan ni Ma'am Gustavina. Umayos naman ng upo ang lahat. “Hindi muna ako magsasagawa ng diskusyon, nais ko munang makilala kayo isa - isa ngunit hindi sa paraang magpapakilala lamang kayo sa harapan.” Bulalas niya at narinig ko naman ang ilang bulungan. “Kayo ay aking i gugrupo, anim na miyembro bawat grupo. Ang bawat isang miyembro ay dapat may isang tanong na itatanong sa iba pang mga kagrupo niya, halimbawa, ang tanong ko ay 'Ilang taong gulang ka na?' ang tanong ko na iyon ay itatanong ko lahat sa mga kagrupo ko. Ganoon din ang iba, kaya naman lahat kayo ay makakatanggap at may makakalap tanong na kailangan ninyong sagutan,  sa paaraang iyon ay pati ang mga kaklase ninyo ay inyong makikilala, nagkakaintindihan ba tayo?” Mahabang paliwanag niya.

“Opo, ma'am!” Sagot ng lahat sa kaniya.

“Kung gayon ay ilalahad ko na sa inyo kung sino ang mga kagrupo ninyo, inayos ko na ito kahapon.”

Sinabi nga ni Ma'am ang mga grupong ginawa niya. Magkakasama kami ni Eiya sa grupo, kagrupo rin namin sina  Eugine, Nathaniel, Oliver taka si  Chloe.

Si Eugine yung tahimik naming kaklase, halos hindi mo marinig magsalita kung hindi lang siya tatanungin ng teachers ay hindi mo maririnig ang boses niya.

Sina Nathaniel pati si Oliver, gwapo, may mapupulang labi, mahahabang pilik mata, maton ang katawan pero feeling ko malambot ang kalooban.

Si Chloe naman, second version namin ni Eiya 'yan, yung bulong niya parang boses ng chismosa sa may kanto, maingay siya at walang tigil din ang bibig, lagi kong naririnig ang mga kadaldalan niya eh, may ibubuga rin kapag recitation.

“Maaari niyo ng punatahan ang mga kagrupo ninyo...” Nagsitayuan naman ang lahat para puntahan ang mga kaniya - kaniyang grupo. Nilapitan naman kami ng mga kagrupo namin, “...maaari kayong lumabas para makapag usap usap kayo, ang isang grupo ay maiiwan dito, ang isa ay sa may soccer field, ang isa ay sa canteen, ang isang grupo ay sa library,  at ang huling grupo ay maaaring may mga benches na lang, nais ko sanang magawa niyo ng matiwasay ang inyong gawain ng walang nangyayaring gulo, maaari ba iyon?”

Makakaasa po kayo ma'am!” Sagot naman namin.

“Kumuha kayo ng inyong sarisariling mga papel at pakikopya ang aking isusulat, iyon ang iyong susundin sa pagsagot.” Sabi niya saka tumalikod para magsulat sa white board.

Kumuha naman kami saka kumopya.
Gan'to yung sinulat namin :

Pangalan:

1.) Pangalan ng nagtanong:

Tanong:

Ang iyong sagot sa tanong:

2.) Pangalan ng nagtanong:

Tanong:

Ang iyong sagot sa tanong:

Ganiyan ang pagkakakopya namin, inulit ulit lang namin hanggang umabot ng number five. Group 2 kami, bale sa soccer field kami.

“Kung tapos na kayong kumopya ay maaari ng lumabas ang apat na grupo at mag umpisa na, ang isa ay dito sasagot.”

Tumango na lang kami saka lumabas. Hindi namin alam ni Zycheia kung saan ang soccer field. Sinusundan lang namin ang mga kagrupo namin.
Nang nakarating ay saka ko pinagmasdan ang field.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon