“No, shishūta!” Maang maangan na sabi niya. Kinakaway pa ang dalawang kamay niya para maniwala ako sa kaniya.
“Alam mo bang halos mawalan ng dugo ang utak ko kakaintindi ng sinasabi mo?”
“Mōshiwakearimasenga, nidoto okorimasen.”
eh!?
Translation: “Sorry, hindi na mauulit.”
“Oh tamo? anong ibig sabihin niyan?
“Wala, sorry hindi na mauulit hahaha.”
“Ako nga pala si Heira.” Nilahad ko ang kamay ko sakaniya.
“Kenji! Kenji Itzuki Tanaka.” Inabot niya ang kamay ko. Nagshake hands kami. Tuwang tuwa pa ang singkit!
“May lahi ka talaga?” tanong ko habang tinitignan ang kabuuan ng mukha niya.
“May dugong japanese ako.”
“Ah.”
“Isha!” Napalingon ako kay Eiya na may hawak na tray. May kasamang isang crew.
“Dito na lang tayo...” tumayo ako para abutin ang tray na hawak niya, “...wala ng table na available eh,” nilapag ko ang tray sa table.
“Sir, eto na po yung order niyo.” Sabi nung crew, kay batang singkit pala yung dala niya.
“Thank you kuya, dito na lang po.” Nakangiting pasasalamat ni Kenji.
Umupo si Isha sa tabi ko, isa isa niyang inalis mula sa tray ang mga plato. Dalawang plato lang 'yon, pero may apat na hati.
Ang isang hati ay may kanin, ang isa ay may minudo, ang isa ay may donut, ang isa naman ay may spaghetti.
Si Kenji naman ay may tatlong plato sa harap niya. Ang isa ay may carbonara, ang isa ay may dalawang slice ng cheese cake, ang isa ay puno ng chicken fillet. May isang pack pa siya ng cookies sa side.
Ang lakas naman netong kumain.
Tinignan muna ni Eiya si Kenji mula bumbunan hanggang talampakan saka nagsalita. “Hey there cookie boy.” Pang aasar ni Eiya.
“Hello.” Sabi ni Kenji saka sumubo sa carbonara niya. May naiwan pang sauce sa side ng bibig niya. Napangiwi naman ako.
“I'm Zycheia Velazquez, I'm her bestfriend.” Nilahad niya ang kamay niya dito sa kaharap namin.
Tumigil muna si Kenji sa pagkain tsaka nagsalita, “Kenji Itzuki Tanaka, grade 9 student,” sabay kuha sa kamay ni Zycheia.
“Grade 9?” Tanong ko, pinasadahan ko muna siya ng tingin saka kumain ng kanin.
“Yeah, grade 9.” Paglilinaw niya.
“Ang bata mo pa pala.”
“Bakit, crush mo 'ko 'no?”
“Kapal.” Natawa naman siya.
“Magtatanong ako sayo ah.” Singit ni Eiya. Tumango naman siya. “May lahi ka ba?”
“Oo, japanese.” Aniya saka kumuha ng chicken fillet.
“Ilang taon kana?”
“15.”
“Anong favorite food mo?”
Cookies 'yan.
“Cookies.”
Sabi na eh!
“Favorite subject?”
“Lahat.”
“Woooh, impressive.”
“Ikaw?” Tanong niya kay Eiya.
“Anong ako?” Sagot naman netong isa. Pinapanood ko lang silang mag usap habang kumakain.
“Cute ba 'ko?” Muntik namang mabulunan si Eiya sa sinabi nung batang singkit. Gusto kong mapahalaklak, pinigilan ko na lang.
“Oo, naman.”
“I know right.” Nag pogi sign pa siya sabay kindat.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng matapos ang usapan nila. Tahimik lang kami habang kumakain. Nang matapos ay nagpahinga muna kami saglit.
“You want?” Alok ni Kenji sa hawak niyang isang balot ng cookie maya-maya sa'min.
Umiling ako. Hindi naman sumagot si Eiya pero astang kukuha siya sa inaalok ni Kenji ay bigla namang nilayo ng batang singkit ang hawak niya.
“Bili ka.” Binelatan niya pa itong kasama 'kong mukhang naiinis.
Humagalpak namab ako ng tawa, hawak ko pa ang tyan ko dahil sa kakatawa. Tumigil lang ako ng sinamaan niya 'ko ng tingin.
“Psh, mabulunan ka sana, bwiset!” Singhal niya kay Kenji, sabay naman kaming natawa.
“Magkampihan kayo sige!” Nagmumukmok na sabi ni Eiya, akala mo naman ay inagawan siya ng kakampi sa korte.
Tumawa ulit kami.
“Hindi kayo titigil?” Nanlilisik na usal niya sa 'min.
Etong isa ay umacting pa na kunyaring natatakot, nanlalaki ang mga mata, nakanganga, tapos nakahawak pa sa dibdib ang isang kamay.
Nagkatinginan kami tsaka...
“B-bwahahahahahaha.” Sabay naming tawa ni Kenji. Inambahan naman kami ng suntok ni Eiya kaya nanahimik kami, pero nagpipigil pa rin ng tawa.
Nang matapos na kumain si Kenji ay saka kami nag paalam sakaniya na aalis na at pupunta na kami ng room.
“Uy, salamat pala ah.” Ani ko kay Kenji.
“Para sa'n shishūta?” Takang tanong niya.
“Para sa table.”
“You're welcome.”
“Sige na, mauna na kami ha?”
“Sige, thank you din sa time, babye.” Kumakaway-kaway pa siya samin.
“Bye.” Kumaway din si Eiya.
Naglakad kami papalayo, nakita din namin siyang patalon talong naglalakad takbo tinahak ang daan papunta sa building ng roon nila. Ang cute.
Ang sarap mong maging kapatid...
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 4
Start from the beginning
