Mag isa lang siya sa table na may apat na upuan, nilapitan ko siya, nagbabakasakaling pwede kaming makisalo sa kaniya. Naglalaro siya sa cellphone niya.

“Hi!” Panimula ko.

Nag angat siya ng tingin, kumunot nman ang mukha niy ng makita niys 'ko, nginitian ko naman siya. Sandali pa niya akong tinitigan saka niya ako binigyan ng abot tengang ngiti.

“Hello shishūta!” Binaba niya ang cellphone niya sa may side ng table.

“Shishūta?” Binigyan ko siya ng nagtatakang itsura dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“Yeah shishūta!” Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa table. Ipinatong siya ang ulo niya sa mga kamay niya saka tinignan ako ng pakurap kurap pa.

“Anong ibig sabihin no'n?”

“It means Ate.”

“Ah.” Tumango pa ako. “May kasama ka ba d'yan sa table?” Nilingon ko pa ang side niya, tinitignan kung may ibang bag na naiwan do'n, pero wala.

Nanimonai.” Kumunot naman ang noo ko, pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.

“Huh?” Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya.

Tumawa siya “I said 'nothing', I'm alone.”

“Ah, wala na kasing table na pwedeng pagkainan, pwede bang maki join?” Pakiusap ko.

Kukkī wa arimasu ka?”  Biglang pagsusungit na sabi niya.

Ayan nananaman si arimasu ka! tao nga kasi ako!

“Ha?” Nasabi ko na lang.

“I said do you have cookies?”

“Ah wala eh, sorry sige, maghahanap na lang ako ng iba.” Nahihiyang sabi ko.

Tumawa ulit siya.

Hindi ka naman halatang masaya 'no?

“Just kidding.” Bawi niya, “yeah, of course you can join me.” Aniya.

Umupo naman ako sa harap niya. Nagtataka lang ako, kung mag isa siya, pa'no siya mag oorder kung hindi ako dumating? Malamang maaagaw ang table kung aalis pa siya no'n.

“Nakapag order kana?” Tanong ko.

“Hai, koko ni suwaru mae ni saisho ni chūmon shimashita.” Aniya, hindi ko talaga maintindihan!

Translation: "Yes, I ordered first before sitting here."

“Paki english o kaya kahit talaga na hehe.”

“Ang sabi ko, oo, nag order muna ako bago umupo dito...” natatawang sabi niya, “...ihahatid na lang dito maya-maya.”

“Trip mo ba 'ko?” Inis na tanong ko.

“Hindi ah.” Depensa niya.

“Eh bakit ba kanina ka pa nag jajapanese jan ha?”

“Wala lang, gusto ko lang.” Ngisian niya 'ko.

Pesteng hilaw na hapon!

“Pwede ka naman magtagalog, marunong ka naman pa lang magsalita ng tagalog, pinapahirapan mo talaga ako eh 'no?”

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora