Pa'nong matutulog sir, eh ang lakas ng boses niyo.
“That's all for today, be ready for the graded recitation tommorow, ready your index card, write your name on it together with your section, submit them tommorow!” Sigaw niya bago lumabas ng room.
Nagring naman ang bell, lunch time na, nag ayos ako ng gamit, gano'n din ang ginawa ni Eiya.
Nag umpisa namang mag bungisngisan at mag chismisan ang mga nasa paligid.
“Grabe naman yung si Sir Raquesta.”
“Kung makasigaw akala mo speaker.”
“Kulang na lang ay lumuwa na ang esophagus niya kakasigaw.”
“Tapos kung makatanong akala mo ay tayo ang pinaka matalinong tao sa mundo.”
“Nakakabiga yung YOU! niya”
“Oo nga bakla, eshushme halos laklakin tayo kanina.”
“Hindi kaya namamaos si sir?”
“Ano ka ba bakla, hindi ka pa ba nasanay do'n, dati pang gano'n 'yon, namaos ba? hindi 'diba?”
“Tara na nga at nagutom ang utak ko sa mga pinagsasabi ni Raquesta kanina.”
Natawa naman ako sa mga sinabi nila.
“Hoy Ishaaa!” Biglang sigaw ni Eiya na nasa tapat na ng pinto pala at hinihintay na 'ko.
“Linshak ka naman kung makasigaw ah!” Sigaw ko sakaniya, saka ko siya nilapitan.
“Tara na gutom na 'ko, feeling ko naubos ang dugo ko kanina sa klase ni Sir Raquesta.” Aniya.
Naglakad naman kami papuntang canteen, para sa lunch.
Bumuntong hininga ako. “Kinabahan ako kanina do'n ah.”
“Hindi halata.”
“Ikaw kaya ang sumagot do'n, halos tumigil na ang pintig ng puso ko sa kaba, tapos sunod sunod pa ang mga tanong, nakakaubos ng hininga!” Reklamo ko.
Humagalpak naman siya ng tawa. “Hahaha, sira!”
“Totoo naman eh.” Nakasimangot na sagot ko.
“Pa'no mo nga ba nalaman ang mga 'yon, malayo pa 'yon sa mga binabasa natin kanina ah.” Tanong niya.
“Nag advance reading ako kahapon, wala akong magawa kaya nagbasa na lang ako.”
“Dapat pala gano'n na lang din yung ginawa 'ko, nagbasa kasi ako ng pocket book hehe.”
“Eh, sira ka pala eh.”
“Nakakakilig kasi ang mga 'yon.”
Nginiwian ko siya, nagpatuloy kami sa canteen, ang daming tao ngayon, puno ang canteen, wala ng halos maupuan, late na kasi kahapon ng mag lunch kami.
Sinabi kong siya na ang pipila, ako na ang maghahanap ng upuan. Tumango naman siya.
Halos maduling na 'ko kakahanap ng mauupuan pero parang wala na yata talagang pwedeng pagkainan. Puno!
Teka, ayun si batang singkit!
Nakita ko si batang singkit, yung nagtanong kahapon sa'min ni Eiya, kung may cookies ba raw kami?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 4
Start from the beginning
