“Who are you?”

“Estudyante niyo po, hindi naman po siguro ako naliligaw?” Sarcastic na sagot ko.

Heira umayos ka, lalamunin ka niyan!

Huy, umayos ka.” Bulong ni Eiya.

“Abay sumasagot ka pa ng pabalang ha!” Sigaw niya, napalunok naman ako

“Sorry po sir, I'm Heira Yakiesha Sylvia sir.”

“What is Chemistry, Miss Sylvia?”

Nag isip pa muna ako bago sumagot, inaalala ang mga binasa ko kahapon.

“Chemistry is the branch of science that deals with the identification of the substances of which matter is composed; the investigation of their properties and the ways in which they interact, combine, and change; and the use of these processes to form new substances, Sir” Tuloy tuloy na sagot ko.

“Okay, good, you may take your seat,”  Aniya kaya umupo na 'ko. “Hindi ba't may mga librong ibinigay sa inyo? bakit hindi niyo ilabas?” Sigaw niya. Ginagamit 'yan hindi pinapabulok na lang sa lalagyan.” Makahulugang sabi niya pa.

Dali-dali naman naming kinuha ang Chemistry book namin, ang iba ay walang nailabas ang iba naman ay naghahanap pa. Sa huli ay iilan lang ang may nailabas na libro.

“Ikaw!” Turo niya do'n sa mataba kong kaklase. “Where's your book?” Tanong niya habang naka cross arm pa.

“Nasa locker po sir.” Nahihiyang sabi naman nung kaklase ko.

“Ang locker ba ang magbabasa no'n ha?” Turo niya sa labas. “Osiya kunin mo dali, sa loob ng dalawang minuto dapat nandito kana kasama ang libro mo kung hindi ay ipapakin ko iyon sayo isa isa bawat pahina.”

Nagmadali namang lumabas ang kaklase ko, hindi naman kalayuan ang locker sa room namin kaya wala pang dalawang pinuto ay nakabalik na siya kaso hingal na hingal.

Ang bigat kasi ng katawan!

“Oh, yung iba kuhanin niyo na ang mga libro niyo sa locker kung hindi ay kayo ang ipapasok ko sa mga locker niyo.” Nagmadali naman ang halos kalahati ng mga kaklase ko. Ilang sandali lang ay bumalik na rin sila.

“You!” Turo niya sa babaeng nasa likod ko na may makapal na salamin, kung hindi ako nagkakamali ay si Akarie 'yon. “Nasa'n ang libro mo?”

“Nasa bahay po sir, naiwan, nagbasa po kasi ako kaha—”

“Ang libro mo ba ang siyang magbabantay ng bahay niyo at iniwan mo roon?” Putol niya sa sasabihin ni Akarie.

“Sorry sir.” Napapahiyang tugon niya.

“Open your book on page 4, read the Chapter 1, lesson 1 — Atomic and Molecular Structure.” Sigaw niya kaya naman lahat kami ay nagbukas ng libro at nagbasa.

Sunod-sunuran na kami, baka bitayin kami pag hindi kami sumunod.

“You!” Turo niya dito sa katabi ko, si Eiya.

Linshak na YOU! yan nakakakaba!

Tumayo naman si Eiya na may taas noo. “Yes sir?” Nakangiting tanong niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now