“Hmm?” Tanong niya habang sumusubo ng kanin.
“Si Kio po tumawag kanina, kamusta na raw po tayo.”
“Oh, mabuti naman at nakausap mo na, pasensya na ha may trabaho kasi ako kanina kaya hindi ko rin siya makakausap.”
“Ayos lang po, ang sabi niya ay miss niya na raw tayo.”
“Miss ko na rin sila.” Malungkot na sabi niya.
“Sila?” Nang aasar na tono ko.
“Siya anak, siya.”
“We? ikaw mommy ha?” Pang aasar ko sakaniya.
“Tigilan mo ko Heira Yakiesha Sylvia, siya lang naman ang anak ko bukod sayo.”
“Bakit kailangan pang buo ang pangalan ko ang banggitin niyo?”
Tumawa siya. “Kumain ka na lang d'yan para hindi ka na gutumin mamaya, alam ko pa naman 'yang tyan mo.”
“Mommy naman eh.” Nakasimangot na sabi ko.
“Abay nakakatuwa naman kayong panoorin ano?” Sumingit si Aling Soling.
“Aling Soling...” tawag ko sakaniya.
“Ano iyon, hija?”
“Hindi ba po ay may anak kayo?”
“Oo, isang lalaki, si Rolen.”
“Bakit po hindi niyo po siya dalhin dito?”
“Nako, bata pa iyon, masyadong malikot, baka makasira siya ng gamit ninyo.” Nakangiting aniya saka uminom.
“Ilang taon na po ba siya?”
“Edad niya'y dies, sampong taong gulang pa lang siya...” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, “...kung nagtataka ka ay, hindi kasi ako agad nakapag asawa.” Pagpapatuloy niya.
“Gano'n ba Ate Soling? minsan ay dalhin mo siya dito para naman makalaro niya si Ate Heira niya.” Natatawang bulalas naman ni mommy.
“Osiya sige, kumain na kayo.”
Gano'n na nga ang ginawa namin, hindi ako masyadong kumain dahil busog pa ako sa kinain ko kanina. Mga naka dalawang balik lang ako ng rice, naka dalawang friend chicken, tatlong slice ng mango graham cake tapos juice.
Oo konti pa lang 'yon, konteeeee.
Umakyat ako ng kwarto ko saka nagpahinga, nagtooth brush muna ako saka natulog na.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, inantok pa ako, gusto ko pang matulog, pero may pasok pa 'ko.
Uminom ako ng tubig at saka naligo, pagkatapos ko sa banyo ay nag suot na ako ng uniform, nagsulay lang ako, kumuha ako ng konting pulbo at dinampi dampi ko iyon sa mukha kop okay na yon hehe.
Bumaba ako at nag almusal, si Aling Soling lang ang nakita ko sa bahay kaya siguradong nasa trabaho na si mommy.
Kasosyo siya sa isang restaurant, kasama niya yung mama ni Eiya, ang alam ko ay apat silang magkakasosyo pero kahit gano'n ay pumupunta pa rin si mommy sa restaurant para tumulong ro'n.
Kumain ako at nagpahinga saglit, bago umalis ay nag paalam muna ako kay Aling Soling, tinext ko naman si mommy.
To: 09876543209
Aalis na po ako mommy, ingat, love u!
Message Sent.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at umalis na 'ko ng bahay gamit ang bike ko. Mabilis lang akong nakarating ng B.A.U dahil walang masyadong sasakyan, kung traffic naman ay agad akong nakakasingit sa mga nakahintong sasakyan.
Pumunta ako ng parking lot at doon nilock ang bisikleta ko, kinuha ko ang gamit ko sa basket at naglakad na papasok.
Sinalubong naman ako ni Eiya nang makarating ako sa room. Ngiting tagumpay pa. Buti na lang at wala siyang hawak na libro ngayon.
“Ishaaaaa!” Sigaw niya.
“Ano ba, ang ingay mo, ang sakit sa tenga.” Naiinis na sabi ko saka umupo sa pwesto ko.
“Parehas lang naman tayong mabunganga, psh!” Hindi ko siya sinagot. “You know what, I have something to tell you.”
“Ano 'yon?”
“Grade 11 has a 23 sections.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ang dami naman? sa Sta. Luiciana High, tatlo lang ang section tapos dito 23?”
“Oo, each enrolled students are sectioned based on their grades and records on their past grade level.”
“Ah, kaya ba nandito tayo kasi mataas ang grade natin?” Patukoy ko sa First Section.
Oo gano'n ang mga pangalan ng section nila, First, second, third, fourth at tuloy tuloy pa hanggang 23rd.
Kaya pala bawat section ay halos nasa 30 students lang kasi 23 ang section? Marami ang mga estudyanteng pumapasok dito sa university dahil na rin sa siguro sa dami ng section ng highschool, isama mo pa ang mga college na may samut-saring kurso.
“Oo, at kahit may record ka dati ay ginawan ng paraan yon ni mommy, ayon kaya magkaklase tayo, yiee.” Animong kinikilig pa.
Hindi na 'ko sumagot, nasapo ko na lang ang sariling noo dahil sa sinabi niya.
Nag ring ang bell, hudyat ng first class, English 'yon, si Miss Alejandro ang teacher namin do'n.
Sa lahat ng subject, english ang pinaka ayaw ko, kaya nga hindi ko gamay ang pagsasalita ng ingles pero nakakaintindi ako.
don't me!
Natapos ang oras ng English class at wala kaming ginawa kung hindi ang makinig, magbasa at mag pronounce ng mga salita.
Ang shakit sa panga!!
“Grabe si ma'am Alejandro, gusto yata niya pati pronunciation ay maging maarte.” Si Eiya.
“Nakakatakot pa naman manigaw 'yon, lahat natututop ang bibig, kapag hindi nakasunod sa kaniya, panlalakihan ka niya ng mata na para bang dragona.” Reklamo ko.
“Sabi ng iba, hindi lang siya ang terror teacher natin.”
“Ha?”
“Tignan mo yung paparating.” Turo niya sa Chemistry teacher namin.
Mukhang may round 2 pa ang pasakit namin...
&.&
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 3
Start from the beginning
