Bumaba ako, pumunta ako ng kusina at pumaroon sa may ref. Kumuha ako ng mango flavored ice cream, naka single tub iyon, pang isang tao lang, para sakin lang! Favorite 'ko 'yon eh. Kumuha din ako ng chips sa mga cabinet.

Pake niyo gutom ang mga dragon 'ko!!!

Bumalik ako sa kwarto para kausapin si Kio, bahala siyang malate maaga pa naman.

“Oh, what's that?”

“Ice cream.”

“Ice cream?”

“Ulit-ulit lang?” Habang tumatabingi ang ulo 'ko.

Natawa naman siya. “Patay gutom!”

“Hoy, hoy, hoy hindi ako patay gutom!”

“LG lang?”

“LG?” Sabay subo ng isang kutsarang ice cream.

“Laging Gutom.”

“'Wag kang uuwi dito Kio.” Umastang sinasksak siya ng kutsara.

Spoon is the new weapon, grr!!!

“Oh bakit?” natatawang sabi niya.

Dadakdakin ko yang esophagus mo, tatanggalin ko 'yan Adam's apple mo!”

Humagalpak siya ng tawa, hinawakan pa niya yung tyan niya.

“Sige na, magbabasa pa 'ko.”

Maliligo na rin ako, pakumusta mo na lang ako kay mommy ha.”

“Oo sige papatayin ko ang tawag.”

“Wag, makukulong ka.”

Wait my brain is loading... Ayun!

“Ha ha ha, nakakatawa, minsan mais ka rin eh 'no?” Sarcastic na aniko.

“Psh, bye, love you both.” Yon lang at pinatay niya na ang tawag.

Inubos ko na ang kinuha kong ice cream, sinunod ko naman ang chips, pinagpatuloy ko na rin ang pagbabasa ko, terror pa naman ang teacher naman 'yun.

Habang nagbabasa ay nahagip ng mata ko si Tantalog. Tantalog ang tawag ko 'dun sa stitch na nakuha ni mamang may camera.

—*Tantalog is also a language used by an extinct but highly advanced civilization. According to the Tantalog language database, it turns out Stitch said: "Mega Nala Kweestra" which means "I want to destroy!*—

Kinuha ko si Tantalog at pinatong na may binti ko, nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa matapos 'ko ang lesson 1.

Saktong matapos ako ay 7:16 P.M na, dinner time. Tinabi ang gamit 'ko saka nagpalit ng pangtulog na damit.

“Dinner is ready.” Si mommy habang kumakatok sa pinto.

“Bababa na 'po.” Sigaw ko habang nagsusuklay.

Bumaba ako at dumeretso sa dining table, nakahanda na ang lahat, may kanina na, maayos na nakalatag ang mga plato, umupo ako sa pwesto ko at nakita ko si mommy na may dalang dessert.

Mango graham yeah!

Tinawag na rin namin si Aling Soling na kasalukuyang nasa laundry room, pero hindi na naglalaba. Nagtutupi na ng damit.

Kaming tatlo ay sabay-sabay na kumain para sa dinner.

“Ah mommy.” Panimula ko habang kumakain.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora