Ngumiwi ako. “Edi wow, ikaw na masipag.”
“Masipag talaga ako.”
“Nyenyenye.” Pagmamake face ko.
“I'll change the topic, how's your day?” Aniya habang kumakain in breakfast.
Pengeeeeee
“Ayos lang naman.”
“Nice to hear that.”
“Alam mo ang laki ng university na pinag enrollan sa'kin ni daddy!”
“Oo alam ko, ako naghanap no'n eh.” Natatawang sabi niya, habang kumakain.
Nakakagutom namang kausap 'to
Ngumiwi ako. “Ang daming nag aaral do'n.”
“Ayaw mo no'n marami kang mababanga—”
“Kiiiiooooo.”
“I'm just kidding.” Iling iling na tugon niya.
Bakit ba puro bangas na lang sinasabi nila. Nagbago na 'ko uy. Babae na 'ko.
Mukha ba 'kong takaw gulo ha?
“Teka, nand'yan ba si daddy?” Pag iiba ko sa usapan.
“He left early for work.”
Nawalan ako ng ganang magbasa, nag iba yung mood 'ko, binaba ko yung libro at humarap kay Kio na may malamlam na mata.
“Ano pa nga ba ang aasahan 'ko 'no?” Sabi ko na may pagkabitter.
“He has a lot of work to do today.”
“Today? today lang?” Nag iwas ako ng tingin dahil namamasa na ang mga mata ko. “Hindi ko na nga nakakasama, hindi ko pa nakakausap kahit sa telepono man lang.” Binalik ko ang paningin ko sa screen na may kunot na noo.
Nakita ko siyang naging seryoso pero may pag aalala.
“Heira...”
“Nakakasawa rin pala, hayaan mo na 'yon hehe, sanay na 'ko, ako pa 'ba?” Kunyaring pagmamayabang ko.
“Miss kana ni daddy, I miss you too, I miss mommy, I miss our family...” Bumuntong hininga siya, “...daddy miss our whole family too.”
“Bakit ba kasi hindi pa kayo umuwi dito?”
“The situation is different now, we need to accept the fact that mommy and daddy are now separated.”
“Wala naman akong magagawa kundi tanggapin diba?”
Bilang isang anak, hindi rin kasi maaalis sa'kin yung pagkamiss sa magulang, matagal ko ng hindi nakikita at nakakasama si daddy, tapos hindi ko pa siya nakakausap. Alam ko naman na marami siyang ginagawa kaya nirerespeto ko na lang 'yon at intindi. Wala naman kasi akong choice kundi 'yon.
“Heira...”
“Hayaan mo na, ang mahala masaya tayo 'diba?” Pilit na ngiting sabi ko.
“Yeah, you're right.”
Nakita ko siyang tumayo mula sa dining table, sinugradong tapos na siyang kumain. Ako naman yung gutom ngayon.
“May kukunin lang ako ah, 'wag mong papatayin yung tawag.”
“Sige.”
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 3
Start from the beginning
