“Kung gano'n ay tama at maganda ang napiling university ng daddy mo.” Tangu-tango pang tugon niya.
“Oo naman po, sayang lang hindi ko kasama si Kio.” Malungkot na sabi ko habang kumakain ng ensaymada.
Wala kayong pake, gutom ako!
“Oo, sayang nga, pero hayaan mo na muna iyon, ang mahalaga ay masaya kayong parehas hindi ba?” Abot tenga ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon.
“Opo.”
“Osiya ubusin mo na iyan tsaka ka na umakyat sa kwarto mo, may aasikasuhin pa kasi ako.” Aniya saka pumunta na sa kwarto niya.
Gano'n na nga ang ginawa 'ko, inubos ko ang ensaymada saka ang juice, nang matapos ay pumunta ako ng kusina tsaka ko ito hinugasan.
Hindi naman ako tamad 'no.
Umakyat ako sa kwarto ko at saka nag ayos, naligo ako at nagbihis. Maaga pa naman kaya nagbasa muna ako ng libro. Libro iyon na may bayad muna sa university, lahat ng subject ay may gano'ng libro.
Inuna 'ko ang Chemistry, makulay siya kaya makakaengganyong basahin. Kasi mabigat kasi ang kapal niya.
'Wag niyo muna akong pahirapan.
Nag umpisa na akong magbasa dahil nasisigurado kong bukas na mag uumpisa ng maayos ang klase. Advance reading ika nga.
“Chemistry occupies an intermediate position between physics and biology. It is sometimes called the central science because it provides a foundation for understanding both basic and applied scientific disciplines at a funda—” napalingon ako sa cellphone ko ng biglang mag ring 'yon.
Si Kio yung tumatawag. Siya naman laging katawagan ko eh, wala ng iba. 6:34 P.M na dito at 12 hours ang pagitan dito at sa New York. 6:34 A.M pa lang sakanila. Ang aga!
Video call ang nais.
“Ow?” Bungad ko sa telepono ng sagutin ko 'yon.
“Goodmorning.” Aniya na pumupungay pa ang mata, baka kakagising lang niya.
“Tangek gabi na dito.” Natatawang sabi ko sakaniya.
Bumuntong hininga siya, “oo nga pala...” Gumalaw ang camera niya kaya alam kong naglalakad siya, “...magkaiba nga pala yung oras d'yan sa oras dito.” Saka humigop ng kape.
“Teka, ang aga mo ah, may pasok ka?” Tanong ko sakaniya, nagbabasa pa rin pero tinitignan ko siya minsan.
“Yes I have a class to attend today but later 10:00 A.M.”
“Oh, I see, buti pa sa inyo 10:00 A.M pa lang sa 'min kasi...” bumuntong hininga ako saka sumimangot “...basta.”
“I waited for the next thing you say and then you just said 'basta', ha?” Sarcastic na sabi niya.
“Ih, tinatamad kasi ako.”
“Magsasalita ka lang naman ka pa, kailan ka pa ba sinipag?”
“Kanina.”
“Kanina?”
“Oo kanina...” Tinigil ko ang pagbabasa at tinignan ko siya, “...naghugas ako ng platito kanina!” Taas noo kong pagmamayabang.
“Congrats.”
“Para sa'n?”
“Congrats, maghuhugas ka na lang ng mga maruruming pinagkainan, platito pa talaga, wow congrats talaga.” Sarcastic na sabi niya.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Ficção AdolescentePitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 3
Começar do início
