Lumapit ako sa bisikleta ko, tinanggal ko ang lock nito, saka tinanggal mula sa pagkakastand. Nilagay ko ang bag ko sa basket pati na rin ang lock.

Magpepedal na sana ako paabante ng may pumigil sa'kin. Nag angat ako ng tingin at kamalas malasang nakita ko nanaman si Vance with his pamatay na smile.

“Naka bike ka lang pumunta dito?” Tanong niya.

“Naglakad siguro ako?” Sarkastikong patanong na sagot ko.

“Hahaha magba bike ka lang pauwi?” Tanong niya ulit habang nakangiti.

“Mukha bang motor 'tong sinasakyan ko?” Sarkastiko ulit na tugon ko.

“Oh c'mon stop being sarcastic.” Sabi niya.

Aalis na sana ako eh, kaso nakaharang ka.” Malayo mula sa sinabi niya ang sinabi ko.

“Papunta na sana ako sa kotse ko kaso nakita kita eh, kaya nilapitan kita.” Nakangiti nanaman na sabi niya.

Anak ng...

“Hindi ko tinatanong” Sabi ko, nabigla naman siya. “Biro lang, aalis na ako, salamat pala nung isang araw.” Bawi ko sa sinabi ko sakanya.

“You're welcome, take care.” Aniya at pumihit na papalayo.

Napailing lang ako dahil sa inasta niya, nagpedal na ako papalayo, buti na lang at hindi gano'n karami ang mga sasakyan sa daraanan ko kaya mabilis lang akong nakauwi.

Binuklat ko ang gate at saka pumasok kasama ang bisikleta ko.

Alangan namang iwan ko sa labas 'no?

“Mommy, nandito na po ako.” Sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Umupo ako sa sofa para magpahinga saglit. “Mommy, nandito na po ako.” Pag uulit ko.

Nakita ko siyang lumabas ng kusina na may hawak na juice at ensaymada.
Inilapag niya ito sa maliit na table sa harap ko.

“Mano po.” Tumayo ako at nagmano saka siya hinalikan sa pisngi.

“Kamusta yung unang araw niyo?”
Tanong niya ng makaupo kami, magkatabi kami.

“Ayos lang naman po, wala naman pong masyadong ginawa dahil first day pa lang po.”

Gano'n ba, masaya naman ba?”

“Hindi naman po gano'n kasaya, sakto lang po.”

Kainin mo na muna 'yan,” sabi niya kaya naman kinuha ko ang ensaymada, kumagad ako roon saka uminom ng juice ng biglang, “wala ka naman nakaalitan sa eskwelahan mo hindi ba?”

Naibuga ko ang laman ng bibig ko dahil sa pagkabigla. Pinunasan ko muna yung bibig ko tsaka napapalunok na tinignan si mommy.

Ang sagwa mo kumain Heira, kadirdir ka!

“Oh, ayos ka lang ba?”

“O-opo, wala naman po akong nakaaway, maayos ang takbo ng lahat ngayong araw.” Pagsisinungaling ko.

“Mabuti naman kung gano'n,” sabi niya. Tumango naman ako. “Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa nangyari sa'yo ngayon araw?”

“Wala naman po akong makukwento sa'yo mommy.” Napasimangot naman siya. “Malaki po yung university, malawak, maaliwalas, maganda, mayayaman yung estudyante...” Dagdag ko. “...chismosa at matapobre rin.” Bulong ko, alam kong hindi na maririnig ni mommy 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now