“Sino ka?” Mataray na sabi ni Eiya.

“I'm Xavier Austine Ferrer, you can call me Xavier.” Pagpapakilala niya sabay lahad sa kamay niya kay Zycheia.

“I'm not interested.” Salubong na kilay na sabi ni Eiya.

“Nagtanong ka hindi ba?” Sarkastikong tanong ni Xavier.

“Psh.” Pasiring na singhal na lang ni Eiya at hindi na sumagot.

“Bakit ka pala nandito?” Tanong ko kay Xavier.

Bahagya pa itong natigilan, at nilagay ang kamay sa baba ba animong nag iisip.

“Yung kanina pala...” Panimula niya kaya naman kumunot ang ulo ko.
“Pasensya kana do'n sa kaibigan ko ah, badmood kasi lagi yon.” Bulong niya sa akin.

“Halata nga, kanina parang gusto niya na akong lamutakin eh.” Natatawang sabi ko.

Importante kasi masyado sakanya yung purselas na napigtas mo.” Seryoso pero nakangiti niyang bulong.

Bumubulong lang siya sa amin, natatakot sigurong may makarinig sa pinag uusapan namin at makarating sa lalaking nakasagutan ko kanina.

Putspa hindi ko naman sinasadya 'yon eh.” Reklamo ko sakanya.

“Oo nga pero hindi niya papakinggan ang paliwanag mo kapag sa gano'ng bagay na.”

“Ano bang meron sa purselas na iyon ha?”

“I'm not in the position to tell you.”

“Sorry.”

“Yon lang, nice meeting you...” Sabi niya sa akin. “And you too miss sungit.” Baling niya kay Zycheia.

Natatawa naman akong tinignan ang itsura niya, kunot na kunot ang noo niya, salubong ang kilay at halatang naiinis na.

“Ayos na 'yon, sige na, salamat.” Sabi ko.

“Ingat.” Sabay kaway niya sa 'min.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Hindi pa rin maayos ang itsura netong kasama ko.

“Ayos ka lang?” Natatawang tanong ko habang papalapit na sa gate.

“Psh, bwisit naman kasi yung lalaki na 'yon.” Reklamo niya.

“Oh, bakit naman?”

“Wala lang, hindi ko alam.”

“Wala lang ba talaga?” Nang aasar na sabi ko.

“Wala.”

“Wala?”

“Wala, teka nga ano bang iniisip mo di'yan ha?” Naiinis na sabi niya.

“Wala.” Maang maangan sabi ko sakanya.

“Saan ka pa pupunta niyan?”

Deretso uwi na.”

“Hindi ka nga pala marunong mag gala.”

“Marunong ako, tinatamad lang talaga talaga yung paa at bulsa ko.”

“Psh.”

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at  naghiwalay rin kami pagdating sa parking lot.

“Ingat, bye” Sabi niya kumakaway pa palayo papunta sa driver niya.

“Ingat ka din, see you tommorow.” Ani ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang