Oo, sa mismong mukha ko!
Ngumisi muna siya sa 'kin at tumalikod na siya, sumunod naman sa kaniya yung mga kaibigan niya, iiling iling pa ang iba.
“Heira...” Nilingon ko si Zycheia ng sabihin niya iyon, seryoso na siya ngayon. “Are you okay?” Dagdag niya.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. “Yeah I'm okay, thank you.” Sabi ko ng nakangiti. “Tara na?” Tanong ko ng hindi siya tumugon sa sinabi ko.
“Let's go.” Seryoso pa rin na sabi niya.
Naglakad na kami papalabas ng canteen, nawala na rin ang mga bulungan pero may ilan pa ring tumitingin sa'min.
Pumunta kami sa kaniya kaniya naming mga locker para magpalit ng notebooks na kakailanganin namin sa next subject.
“Akala ko ba titigilan mo na 'yang mga away na 'yan?” Maya maya'y sabi ni Eiya.
“Oo nga.” Sabi ko ng hindi ko siya tinitignan, kinukuha ko lang ang iba kong mga notebooks.
“And what the hell is the meaning of that?” Seryosong sabi niya, patukoy niya sa nangyari kanina sa canteen.
“Hindi ko naman sinasadya 'yon, may pumatid sa paa ko kaya natumba ako tapos ayon may tumalsik na mga beads tapos kita ko na lang na galit yung lalaki tapos basa yung damit.” Tuloy tuloy na paliwanag ko.
“I know that, what I mean is, bakit mo pa pinatulan sana'y nagpa sorry ka na lang.”
“Nagpa sorry naman ako ah, ewan ko kung bakit grabe siya kung magalit.”
“First day of class you did unpleasant move already.”
“Hindi na mauulit.”
“Sana nga...” Sabi niya saka niya sinara ang locker niya. “Let's go?” Aya niya sa 'kin.
“Let's go.”
Bumalik na kami ng room dahil malapit na ang time ng first class namin sa afternoon. Math iyon.
Pero gaya ng inaasahan ay hindi kami ang discuss, nagpakilala lang kami ulit isa isa. Mabait ang teacher namin para sa subject na iyon. Sir Roswell Marciales ang pangalan niya.
Lumipas ang oras at dismissal na, wala naman kaming ibang ginawa kung hindi magpakilala sa mga teachers, pero parang napagod ang katawan ko.
Nagring ang bell kaya naman inayos ko ang gamit ko. Hinintay ko lang si Eiya, sabay kaming lumabas at nagpunta ng locker.
Nilagay namin doon ang ibang gamit namin, kinuha naman namin ang mga kakailanganin bukas para hindi na pabalik pabalik pa.
Nang matapos ay saka kami naglakad papalayo.
“Grabe! nakakapagod.” Reklamo ko habang naglalakad kami.
“Yeah, puro papakilala lang ang ginawa natin ano ba yan.” Kamot ulo namang sabi ni Eiya.
“Malay mo bukas sikat na tayo.” Biro ko.
“Psh, 'wag lang sana sa gulo.” Sabi niya.
“Hindi ah, maganda tayo kaya lagi tayong tinignan.” Sabi ko sakanya sabay kindat.
“Woooh ang hangin.” Sabay kaming napalingon ni Eiya sa likod ng biglang may magsalita.
Xavier...
“Oh ikaw pala?” Nagtatakang tanong ko sakanya.
“Ako nga hehe.” Sabi niya, nakangiti na naman.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 3
Magsimula sa umpisa
