“Tanga ka lang ganon?”

“May tumisod kasi sa'kin, kaya ayan nata—”

“I don't fvcking care!” Biglang sigaw niya mismo sa mukha ko.

“Huwag mo naman akong sigawan ng ganyan, eto na nga oh, nag sosorry na 'ko”

Nahawakan mo na 'ko, nasira mo na, hindi na maibabalik ng sorry mo ang nangyari, stupid!”

Nasira?

“Pasensya na papalita ko na lang.”

“Hindi mo kayang palitan iyon.” galit na sabi niya sa'kin. “Alam mo bang ikaw lang ang nakalapit sa'kin ng gano'n kalapit? natitigan mo pa 'ko, nahawakan pa, grabe! ang swerte mong tanga ka!” Kunyaring hindi makaniwalang sabi niya.

“Eh ano bang kinagagalit mo diyan? sumusobra ka na ah!” Sigaw ko sakanya.

“Isha tama na...” pigil ni Zycheia sa'kin.

“Sando lang naman yang suot mo, kaya mo naman sigurong palitan yan.” sarkastikong sabi ko sakanya. “Yung nasira ko, hindi ko man alam yon pero ang liit lang naman na bagay 'yon, sobra naman yata yang galit mo?” dagdag ko.

Padarag niyang dinaklot ang kwelyo ng blouse ko na siya namang ikinabigla ko. Napalunok ako dahil sa kaba.

“Maliit na bagay ba kamo?” nangigigil na singhal niya.

“Bro tama na...” anang isa niyang kasama. Matangkad na maputi. Gwapings!

“Ace, babae yan.” sabi naman nung isa pa.

Teka, si Xavier yon ah, magkakilala sila?

Oo malamang Heira mag isip ka nga, magkasama nga sila eh!

Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya, nakatingin lang sa'kin yung mga kasama niya.

Ang iba ay nag aalala ang mukha, ang iba naman ay walang reaksyon.

Hindi niya pinakinggan ang mga sinabi ng mga kasama niya, nakatitig pa rin siya sa mga mata ko, nangigigil na hinahawakan ang kwelyo ko.

“Para sabihin ko sa'yo, 'yong maliit na bagay na iyon, mas mahala pa kaysa sayo!” sigaw niya, napapapikit naman ako.

Pabato niya akong binitawan, malakas iyon kaya napaupo pa ako sa sahig. Sa pangalawang pagkakataon, tinulungan nananaman akong tumayo ni Eiya.

Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

“Tigil na Isha... tigil na.” aniya. Hindi ko siya pinakinggan.

Umalingawngaw na naman ang bulungan ng mga nasa paligid. Hanggang ngayon pala ay pinapanood nila ang away namin nitong isang 'to.

“Galit na talaga siya.”

Sinagad niya yung pasensya ni Master Kayden.”

“Hindi siya uubra.”

“Kung ako sakaniya tatahimik na 'ko”

Delikado 'yan...”

Doon ako kinabahan ng matindi pero hindi ko pinahalata, hindi ko na pinansin ang iba at bumaling ulit dito sa kaharap ko.

Makapagsalita ka naman di'yan akala mo naman kung sino ka!” Naiinis na sabi ko sakanya.

“Kung ako sayo, hindi mo na 'ko gugustuhing makilala pa.” Sabi niya sa mukha ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now