Nakatulala lang ako at payapa ang mundo ko ng biglang magtaas ng kamay si Zycheia, nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko na ang susunod na sasabihin nito.

“I nominate Heira Yakiesha Sylvia to be the peace officer of this class.” tsaka niya ako nilingon ng may nang aasar na ngiti.

“Hoy ano bang sinasabi mo ba diyan ha, tigilan mo yan.” naiinis na bulong ko sakanya habang pinandidilatan siya ng mata.

“Are there any additional nominations for peace officer.” tanong ni Miss Alejandro kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwang.

“I nominate Dianna Avril ma'am.” sabi nung isa.

“Is there a motion to close the nomination?” ani ma'am o miss.

Hindi ko na alam ang itatawag ko sakanya huhu.

“I move to close the nomination.” anang isang babae mula sa likuran.

“I second in motion.” sabi nung katabi niya.

“The nomination is now closed, who's in favor to Heira Yakiesha?” tanong ni ma'am, nasa sampu lang ang bumoto sa akin kaya naman nawala yung kaba ko. “Who's in favor to Dianna Avril?” nagtaas ng kamay ang halos lahat.

“I declare Dianna Avril Santos as one of the elected peace officer of this class.” anunsiyo ni ma'am, sinulat naman ni Crista ang pangalan ni Dianna sa board.

Nagtuloy tuloy pa ang botohan, hindi pa rin maalis ang inis ko kay Zycheia, habang siya eh bumubungisngis at nagpipigil tawa sa tabi ko.

Ikaw ba namang iboto bilang peace officer eh may records ako sa dati kong school.

Lintek.

Natulala lang ako at iniisip kong pa'no ko nga ba nagawa ang nga iyon. Takot ang iba sa'kin, ako naman ay may lakas ng loob para lumaban.

“Baka may special powers ako.” wala sa sariling bulong ko, mahina lang at ako lang ang makakarinig.

Pero hindi eh, wala akong special powers, nasisira na ata ulo ko.

“Okay, that's all for today, thank you and congratulations, you can have your lunch, enjoy your meal.” saktong pagkalabas ni ma'am ay nag ring ang bell, hudyat para sa lunch break.

Padarag kong kinuha ang mga gamit ko at padabog na lumabas ng room. Sumunod naman sakin si Zycheia na hanggang ngayon ay nagpipigil ng tawa.

“Hey, I'm sorry okay, I was just trying to annoy you...to distract you.” natatawang paliwanag niya. “Bakit nga ba ang tahimik mo kanina?” dagdag niya pa.

Porke ba tahimik ako ngayon, iboboto mo na 'ko don?” reklamo ko sakanya.

“Ayaw mo no'n, kinakatakutan ka na nanaman ?”

“Nagbago na 'ko uy.”

“Are you sure?” nanghuhuling tanong niya.

“Oo,iniwan ko na yung paggiging takaw gulo ko ko sa Sta. Luiciana 'no!”

“Talaga lang ah?”

Linshak ulit ulit ka naman eh.”

“Sayang 'no hindi ikaw yung nanalo kanina.” nanghihinayang kunwaring tanong niya.

Naglakad lakad kami sa hallway at bumaba ng hagdan. Nasa second floor kasi yung room namin.

“Eh ano naman ngayon kung hindi ako nanalo, hindi ko gamay ang mga ganon.”

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now