Grabe! ganto pala 'pag nasa private na.

Nakakaintindi naman ako ng salitang engles pero hindi ako gano'n kabihasa sa pagsasalita pero kaya ko naman.

Don't me!

Isang oras bago mag lunch break ay pumasok ulit si Miss Alejandro, may dala siyang white board marker and eraser, ballpen at isang folder na may nakaipit na mga puting papel. May suot pa itong makapal na salamin.

Upo siya sa kaniyang silya at seryosong bumaling sa aming mga estudyante niya.

Bumuntong hininga muna siya at saka nagsalita “Okay class you're already familiar about the classroom officers, transferees or not, you know something about it, am I right?” seryosong tanong niya sa amin.

“Yes ma'am.” sagot ng lahat sakaniya.

“Before your lunchtime, you will be electing classroom officers.” tumayo siya at nagsulat sa white board. “Please choose the one that can handle his or her position, responsible and active in this class, are we clear?” pagpapaalala niya sa amin habang nakatalikod at nagsusulat pa rin sa white board.

“Yes ma'am.” pag sang ayon naman namin.

Sinulat niya lang ang pagkakasunod sunod ng mga posisyon, kung anong meron ang ibang eskuwelahan tungkol sa eleksyon ng mga opisyales ng classroom ay ganoon din dito sakanila.

Pres:
Vice Pres:
Secretary:
Treasurer:
Auditor:
Peace Officers:
                         :
Muse:
Escort:

'Yan ang pagkakasunod sunod, kakaunti lang kung tutuusin.

Nauna na munang nilang iboto ang magiging secretary para siya na magsusulat ng mga pangalan ng iba pang iboboto.

“Nominations are now open for secretary, are there nominations for secretary?” panimula ni Miss Alejandro.

“I nominate Crista Jhane to be the classroom secretary of this class.” nakangiting sabi naman ng isang kaklase ko, kung hindi ako nagkakamali ay si Nash iyon.

“Crista do you accept the nomination for secretary?” tanong na naman ni Miss Alejandro.

“Yes ma'am, i accept it.” sagot ni Crista.

“Are there any additional nominations for secretary, there is nothing wrong with self-nominations.” tanong ulit ni miss.

Walang nagsalita kaya naman sinara na ang botohan para sa posisyon bilang isang sekretarya.

“Is there a motion to close the nomination?” baling ni Miss Alejandro sa amin.

“I move to close the nomination.” sabi naman nung isang kaklase ko na maliit na lalake, halatang tuwang tuwa pa.

“I second in motion.” sigaw naman ng kung sino.

“Hearing none, I declare nominations closed. There being only one nominee, I declare Crista Jhane as the elected secretary.” masayang anunsyo nito, kaya nagpalakpakan ang lahat. “Okay, Crista Jhane Soligarez is our class secretary, please come here and join me in front.” nakangiti ng baling ni miss kay Crista.

Nagtuloy tuloy lang ang eleksyon hangang matapos ang president, vice president, treasurer at ang susunod ay  ang peace officers.

Mayroong dalawang tao ang para roon, isang babae at isang lalaki. Wala naman akong balak na makisali pa sakanila kaya tahimik lang akong nakikinig at nanonood sa mga nangyayari.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now