Ginaya ko rin ang ginagawa niya. Malaki ang university, as in malaki. Mga tatlong beses itong mas malaki sa dating high school na pinasukan namin.

Maganda, malawak, maaliwalas ang kabuuan. Maraming buildings at rooms. May mga banyo sa bawat building. Malawak ang soccer field. Malaki ang stage.

Ang mga estudyante ay halatang anak mayaman. Ang pinagtataka ko lang, bakit ang sama ng tingin sa'min? Maayos naman ang mga mukha namin ah.

Akala mo naman ngayon lang nakakita ng mga transferees.

“Ayun ang building natin.” turo niya sa isang apat na palapag na building.
“Sa first section tayo.” dagdag niya pa.

“Talaga? pano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko.

Naglibot na kasi ako kanina tapos nagtanong ako sa ibang teachers.” sabay turo sa isang room na sa hula ko, faculty room. “Tapos buti na lang at grade 11 teacher ang napagtanungan ko, sinabi ko lang yung pangalan natin tapos hinanap niya, then she said na do'n nga tayo.” turo niya ulit doon sa building.

Ewan ko ba, hindi nila agad binigay ang mga section namin pero yung schedule naibigay na agad nung enrollment pa lang.

Weird.

Malapit nang mag time kaya naman pumunta na kaming pareho do'n, magkaklase nanaman kami. Malamang ay gumawa nanaman 'to ng paraan para hindi mahiwalay sa'kin.

Napagtitinginan na kami ng ibang mga kaklase namin siguro ang mga 'to, nandito sila eh.

Naupo kami sa bakanteng upuan malapit sa bintana, katabi ko siya.

Nag kuwentuhan pa kami pero nag ring ang bell kaya naman tumahimik na kami.

Pumasok na ang teacher pero hindi siya nag discusss, pinaalala niya lang ang mga rules and regulations sa university na ito pati na rin ang mga rules niya sa loob ng klase niya. Binigay niya rin ang mga susi ng mga lockers namin.

Gaya ng nakasanayan ay isa-isa kaming tinawag para maipakilala ang mga sarili namin.

Hindi ako mahilig magkabisa ng mga pangalan kaya kahit nagpakilala na ang iba ay wala pa rin akong matandaan, kung meron man ay iilan lang.

Pasensya na ha.

“Okay next miss Sylvia.” tawag sa'kin ni Miss Alejandro. Laica Alejandro ang buong pangalan niya, siya yung advicer namin.

Mukha pa lang siyang bata, ang tantya ko ay nasa 25 hangang 30 ang edad niya. Maganda siya.

Tumayo ako at saka pumunta sa harap. “I'm Heira Yakiesha Sylvia from Sta. Luiciana High School.” sabi ko sa harap. Bagamat nahihiya ay ngumiti pa rin ako.

“Can you give us something about yourself?” tanong ni Miss Alejandro.

Ngumiti ako. “I love reading books, I like eating hehe.” nahihiyang sabi ko.

“Is that so, okay thank you, you may take your seat.” nakangiting baling niya sa'kin.

Umupo ako ulit at nakinig muli sa mga nagpapakilala sa harap, gaya ng inaasahan iilan lang ang naalala ko.

Bukod kay Zycheia, sina Kiara, Dianna Acrea, Raven Jinro, Brian at si Akarie. Maaamo kasi ang mga mukha nila hindi tulad ng iba.

Hehe joke lang, mabait na po ako.

Ang ibang teachers na pumasok sa amin ay gano'n din ang ginawa. Wala ni isa ang nag discuss, puro mga paalala sa mga rules sa loob ng mga klase nila, ingles ang halos lahat ng mga pinagsasabi nila pero naiintindihan naman namin iyon.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ