“Ingat, yung mga sinabi ko sayo Heira Yakiesha.” paalala niya ulit.

“Opo, I'll keep it in my mind hehe” sabi ko at daka hinalikan sa pisngi.

Malapit lang ang papasukan kong university kaya naman ginamit ko na lang ang bisikleta ko papasok. Korean bike iyon na may basket sa harap.

Inaalala ko na baka masilipan ako kaya naman nagsuod ako ng cycling shorts pangdoble. Nilagay ko naman ang medyo maliit kong bag sa basket.

Oh 'diba saan ka makakahanap ng isang estudyanteng pumapasok private university tapos naka bike? kanya kanyang trip 'yan yeah!

Pinaandar ko ito, masarap malanghap ang hangin kapag ganitong maaga.

Malapit lang naman kaya nakatating ako kaagad. Pumunta ako sa parking lot at pinadarada ang bike ko sa may bike section. In-stand ko muna ito saka ko nilock.

Ang taray may bike section.

Maraming sasakyan. Maraming estudyanteng nagdadaanan. Inaayos ko muna ang kabuuan ko bago maglakad.

Pero nakailang hakbang pa lang ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinapa ko ito at wala sa bulsa ko. Alam kong akin iyon dahil sa boses ko mismo ang ringtone nito.

Kinapa ko ulit pero wala talaga. Hinanap ko ang bag ko at napagtantong wala rin ito. Nasa basket pa rin pala yon ng bike ko.

Shunga.

Bumalik ako sa bike ko at kinuha ang bag. Napalingon ako at napansing may ibang estudyanteng nakatingin sa'kin. Ang iba pa ay nagbubulungan tapos tatawa.

Baliw lang?

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 'me tatlong missed calls mula kay Zycheia. Muling nag ring kaya naman agad ko'ng sinagot yon, nakakahiya naman ang napakagandang ringtone ko hehe.

Boses ko 'yon eh habang kumakanta ng The Show by Lenka.

[“Where are you?"] tanong niya agad.

“Papasok na.”  sagot ko at nag umpisang maglakad papasok.

[“Anong oras na oh, hurry up 'lil brat”] sermon niya.

Natawa naman ako sakanya. “Hintayin mo 'ko sa may gate.” sabi ko sakaniya.

[“Okay, bilisan mo ha, wala akong kilala dito.”] reklamo niya.

“Ako din naman eh, same same lang tayo.” sabi ko sakaniya.

[“Tsk, other students are looking at me, I don't even know them”] inis na sabi niya sa kabilang linya.

“They doesn't know you too, malamang transferee ka 'te, I'll hang up, malapit na 'ko bye” saka ko binaba ang tawag.

Medyo malayo rin ang parking lot sa main gate kaya natagalan ako.

Nang marating ko ang gate ay sinalubong agad ako ni Eiya na may libro na namang hawak.

Wala bang sawang magbasa 'tong taong 'to?

“Goodmorning.” nakangiting bati ko sakanya.

“Goodmorning too.” sabi niya naman.

“Kanina ka pa?” tanong ko sakanya at nagsimulang maglakad papasok kasabay siya.

“Yeah, I arrived here at 7:30 A.M.” sabi niya habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng university'ng pinapasukan namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now