“Okay.” sabi ko sa kaniya at pinaubaya na sakanya ang claw machine.

“What do you want me to get?” nakangiting tanong niya sa'kin

“Yung stitch sana.” sagot ko, hindi na siya kumibo at nag umpisang maglaro

Sinipat sipat niya muna ang claw at ng makuha ang tamang lugar ay saka niya pinindot ang button.

Lumiwanag naman ang mukha ko ng makitang eksato ang claw sa stuff toy na kanina ko pa kinukuha. Masaya ko iyong kinuha mula sa ibaba ng machine.

Pero nang tumayo ako ay wala na ang lalaking naglaro para sa 'kin, nakita ko siyang palabas at may kausap sa kaniyang telepono. Hinayaan ko na lang siya.

Thankyou bulong na usal ko. Yinakap ko ito at masayang lumapit kay Eiya.

Sa'n mo nakuha yan?” nakangiting tanong niya.

“Doon.” turo ko sa claw machine na pinaglaruan ko.

Ikuha mo nga ako.” pang uuto niya sa'kin.

“Sorry ka na lang, may naglaro para sa'kin kanina, siya yung nakakuha nito.” sabi ko sabay lahad sa stitch na hawak ko.

“Osiya tara na.” anyaya niya. Tumango naman ako.

Lumabas kami ng World of Fun at saka nagtungo sa isang fastfood chain. Pumila kami papunta sa counter. Hindi naman ganoon kahaba ang pila. May dalawang lalaki pa sa harapan namin, medyo nakatagilid sila at halatang nag uusap pero bulong lang.

Nang mahalata siguro nila ang pagtitig ko sakanila ay saka nila kami hinaharap.

“Mauna na kayo.” anang isang lalaki na wagas kung makangiti. Walang emosyon naman ang kasama niya habang nakatingin samin...sakin.

Hindi na ako nagpumilit pa at nauna na sa pila. "Thanks." sabi ko at gaya ng napag usapan ay inilibre nga ako ni Eiya.

Nagkwentuhan pa kami habang kumain. Halos kalahating oras din ang tinagal namin sa fastfoodchain.

Nang makatapos kaming kumain ay sinabi ni Eiya na kailangan na niyang umuwi dahil tumawag ang mama niya na aalis sila. Kung saan sila pupunta ay hindi ko alam.

Hindi naman ako chismosa hehe.

Bumalik kami sa bookstore na pinagbilhan namin para kunin muli ang mga pinamili namin. Naglakad kami papalabas ng mall. Ngunit habang naglalakad kami ay hindi ko namalayang may lalaki na palang nakabunggo sa akin.

Porke single ako eh pinapaulanan na ako ng lalaki ngayon 'no!

Medyo malakas ang impact nito dahil malaki ang katawan ng nakabungguan ko. Tumimbawang ako sa sahig ng mall. Inis akong tinignan ang lalaki, siya naman ay parang nag aalala ang mata. Buti na lang at hindi nagkalat ang mga pinamili namin.

Nakahiya dahil maraming nakatingin. Tinulungan niya akong makatayo. Inalalayan pa ako nito na may halong pag aalala.

Ang sakit sa pwet non ah.

“Sorry miss hindi ko sinasadya.” pamanhin nito. “May masakit ba sayo?” dagdag niya pa.

Inis ko naman siyang tinignan, “Ang laki niyang katawan mo, sinong hindi masasaktan kapag nabunggo mo ha?” sabi ko sakanya.

“Pasensya na, nagmamadali talaga ako ngayon, sorry.” yon lang at saka tinalikuran na ako.

“Tara na nga, 'me eksena ka nanaman eh.” natatawa nanaman na sabi ni Eiya.

Hindi ko na siya pinansin at nag pauna ng maglakad. Nang makalabas na kami ay saka ko napansing madilim na pala. Hinatid ko na muna si Zycheia bago tuluyang umuwi.

Sinalubong naman ako ni mommy ng ngiti.

“Kamusta, do you have fun?” sabi niya.

“Opo sobra, sobrang saya.” naiinis na sagot ko at naalala na naman ang mga lalaking nakasalamuha ko kanina.

“Osiya mukhang pagod ka, kumain ka na ba?” tanong niya ulit.

“Yes mommy, magpapahinga na po ako, goodnight.” paalam ko sakanya.

“Goodnight.” sambit niya, hinalikan ko lang ang kaniyang pisngi at umakyat na sa kwarto.

Magpahinga muna ako saglit at saka naligo. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at saka nahiga sa kama. Kakaunti lamang ang ginawa namin pero pakiramdam ko ay napagod ako ng sobra. Dahil na rin siguro sa pagod ay agad din akong nakatulog.

Bakit ba kasi sinira niyo ang araw ko...

&.&

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now