“Bakit hindi ikaw ang maghanap?” sarkastikong tugon niya.
Hindi ako nakakibo dahil naiinis na talaga ako sakanya. Hinila niya ang notebook sa kamay ko pero hinila ko ito pabalik. Nginitian ko siya habang pinanlalakihan ng mata. Hinila niya ulit kaya naman hinila ko rin.
“Akin na lang 'to, bitaw na oh, kuya” sabi ko.
“Okay choose, surrender this notebook to me...” pabitin niyang sabi, nginisian niya ako. “Or I'll kiss you?” dagdag nito kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
Padabog ko itong binigay sakanya. Nakangisi pa rin siya.
“Oh ayan na, ayan, ayan, saksak mo sa esophagus mo, may pa english english ka pa diyan.” naiinis na sabi ko habang patulak na binibigay sakanya ang notebook.
Sumeryoso siya at saka tumalikod.
Linshak kang bwisit ka.
“Oy nakapili kana.” muntik pa akong mapatalon ng biglang magsalita si Eiya mula sa likuran ko, tatawa tawa pa ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Sa'n ka ba galing ha?” inis na tanong ko sakanya.
“Diyan lang sa tabi tabi, naghanap ako ng libro.” sabi niya na para bang nag pipigil ng tawa.
Sigurado akong nakita at narinig niya ang usapan namin ni kuyang tisoy kanina. Oo tisoy, maputi siya eh.
“At iniwan mo 'ko 'no?” salubong na kilay na sabi ko.
“Hindi ah, yayain sana kita kaso busy ka don sa cute boy, nakikipag agawan ka pa sa kaniya.” natatawa pa rin na sagot niya sa'kin.
“Nakakairita nga 'yon eh, napakasungit, pwede naman kasi siyang maghanap ng iba, andami naman diyan oh!” turo ko sa mga nakalatag na notebook.
“Oh siya hayaan mo na, nakuha niya na eh, may magagawa ka pa ba?” tugon niya
“Tara na nga, hanap na tayo ng iba pa, atsaka pala hahanap na rin ako ng libro, libre mo 'ko mamaya kasi iniwan mo 'ko kanina” tuloy tuloy na sabi ko.
Napaamang naman siya. “Ayoko nga, ano ka sinuwerte?” sabi niya
Siniringan mo naman siya. “Sige maiwan ka diyan, mag commute kang mag isa mo!” mahinang sigaw ko sakanya at saka naglakad papalayo.
“Hoy, joke lang eh, eto naman, oo na ililibre na kita.” habol niya sa akin kaya naman napangisi ako.
Naghanap pa kami ng kung ano ano pang mga school supplies. Bumili na rin naman kami ng libro, parehas kaming mahilig magbasa pero mas malala siya hahaha.
Nang matapos kami ay napagdesisyunan naming maglaro muna sa arcade. Iniwan muna namin sa baggage counter ang mga pinapili namin para hindi hassle. Umakyat kami sa second floor ng mall dahil naroon ang World of Fun.
Bumili ka pareho ng tokens worth 100 pesos. Nang makabili kami ay saka kami naghiwalay, kaniya kaniya kami ng laro.
Naglakad ako sa mga claw machines. Masaya ako habang nanantya para makuha ang isang stuff toy na stitch. Mahilig kasi ako roon.
Apat beses akong sumubok pero wala talaga, ayaw talagang makuha. Naghulog pa ako ng isang token at hirap na hirap na iginagala ang joystick, habang naglalaro ako ay may isang lalaking lumapit sa'kin. May bitbit pa itong camera
“Let me help you” nakangiting sabi niya. Nung una ay nabigla pa ako dahil sa alok niya. Hinayaan ko na lang siyang maglaro para sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 1
Magsimula sa umpisa
