Ilang saglit lang ay narating ko na ang bahay nila Eiya, medyo may kalayuan ang subdivision nila pero mabilis akong nakarating sa kanila dahil wala namang traffic, may dalawang subdivision ang kalayuan ng bahay nila sa bahay namin.
Marunong akong mag drive ng kotse pero hindi ako sanay dito. Laging bisikleta kasi ang gamit ko kung malapit lang pupuntahan ko, gaya na lang pag may pasok.
Bumusina ako ng tatlong beses at ilang sandali pa ay nakita ko ng lumabas si Eiya, as usual ay nakasimpleng denim skirt siya at
black shirt. Nakabuong ipit naman ang kanyang medyo kulot na buhok.
“Excited na 'ko sa Lunes, ikaw excited kana?” magiliw na sabi niya ng makasakay siya sa kotse. Pinaandar ko ito at nag usap kami habang nasa byahe.
“Oo naman, ako pa 'ba, may bagong crush na nanaman ako neto hay.” sabi ko at sabay naman kaming natawa.
“Excited na 'ko sa mga bagong librong pwedeng basahin sa library hahaha.” masayang dagdag naman niya. Basta libro hindi papaawat 'tong babaeng 'to hahaha.
“Grade 11 na tayo pareho 'no, sana magkaklase ulit tayo.” nakangiting sabi ko.
“Panigurado naman yan, tayo pa 'ba.” sabi niya saka ako kinindatan.
Nang makarating kami sa mall ay ipinarada ko ang kotse sa may parking lot, alangan namang iwan ko sa daan, kayo naman oh, shempre joke lang.
Pumasok kami sa mall at naglakad lakad muna, marami rami rin ang tao ngayon, baka sinusulit na ang pag gagala.
“Sa bookstore muna tayo, halos nandoon na ang kakailanganin natin.” sabi ko sakanya at tuwang tuwa naman siyang tumango.
Pumasok kami sa store na itinuro ko at naghanap ng kakailanganin, pumunta muna kami kung saan nakalatag ang mga notebooks na may iba't ibang disenyo.
Pumili si Zycheia ng mga notebook na may kulay at desenyong pink, masyado siyang babae.
Ako naman ay kahit na ano na lang ang matipuhan ko ay siyang dadamputin ko. May isang notebook naman ang nakaagaw ng pansin ko. May disenyo itong baybayin, mga sulat ng nakaraan, mga letrang ginamit noon. Nagandahan naman ako doon. Akmang dadamputin ko ito nang may isa pang kamay ang dumampot dito. Ang nangyari'y parehas naming hawak ang isang notebook.
Nag angat ako ng tingin at isang gwapong lalaki. Maganda ang katawan niya. Kung susumahin ay parang kasing edad ko lang. Halatang anak mayaman dahil sa branded na suot nito.
Pero bakit ganon, halata ring masungit, salubong din ang kilay niya habang masama akong tinignan.
“A-ah kuya, akin na lang 'to ha.” nakangiting sabi ko sakanya. “Hanap ka nalang ng iyo, marami pa jan hehe” dagdag ko pa.
Kukunin ko na sana ang notebook mula sa pagkakahawak niya ng bigla niya itong hinigpitan.
“No.” seryosong tugon nito.
“Sige na naman kuya oh, akin na lang 'to.” nag paawa epek pa ako sakanya para pag bigyan ako.
“Ako ang naunang kumuha nito, ako ang unang nakadampot, so this is mine now.” sabi niya, seryoso pa rin
“Eh?” tumabingi pa ang ulo ko dahil sa pagtataka. “Ako naman ang unang nakakita.” sabi ko habang nakasimangot, no choice ako kahit ayaw kong gawin 'to, gusto ko talaga yon...yung notebook.
“I don't care, so pakibitaw na miss dahil inaaksaya mo ang oras ko.” sabi niya, natigilan naman ako sa sinabi niya.
“Hanap ka na lang ng iyo” sabi ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 1
Start from the beginning
