“Oo nga po mommy eh, sana pati si daddy umuwi na rin.” Sabi ko at tumingin sakanya, unti unting nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at sumeryoso ito. Nawala na rin ang mga ngiti ko dahil sa pangungulila kay daddy. Hindi ko naman yon maiwasan. “Sorry po...” paumanhin ko.

“Ayos lang iyo anak, matagal na rin iyon, sanay na ako, pasensya na.” Malungkot at pilit na ngiting dagdag niya. “Aba eh malapit na rin ang pasukan niyo hindi ba?” pag papaalala ni mommy sa'kin.

Tignan ko ang kalendaryo at mula ngayon at isang linggo na lamang ay pasukan na ulit. Grade 11 na ako ngayong pasukan, wala pa akong ideya kung ano ang mga pag aaralan namin niyan.

“Opo mommy, sa susunod na Lunes po ay pasukan na. sabi ko.

“Ang sabi mo ay mamimili ka kasama si Zychi.” Sabi niya, Zychi ang tawag ni mommy kay Zycheia, para daw hindi na mahirap bigkasin.

“Opo, magpapalit lang po ako ng damit, tapos aalis na po ako.” Sabi ko.

“Osiya,  may laman naman ang ATM mo hindi ba?” Sabi niya habang nakangiti.

“Opo mommy, thankyou po sa time, akyat na po ako.” Sabi ko at tanging tango lang ang iginawad nito sa akin.

Umakyat ako sa kwarto at saka naligo. Habang naliligo ako ay iniisip ko na ang mga bagay na kakailanganin namin, inisip ko ring bumili ng libro para may mabasa ako kapag wala akong ginagawa.

Nang matapos akong maligo ay saka ako lumabas ng banyo. Suot ko ang aking roba habang naghahanap ako ng pwede kong suotin. Habang pumipili ako ng damit ay tinawagan ko si Zycheia. Sakanya na lang ako magpapasamang mamili. Tatlong ring bago nito sagutin.

Nasa primary pa lang kami ni Zycheia ay magkaibagan na talaga kami, magkaibigan rin ang mama niya at saka ang mama ko.

Tutok siya sa pag aaral, halos hindi niya na mabitawan ang libro o 'di kaya ang libro. Matalino kaming parehas kaya naman ay lagi kaming mag kaklase. Minsan maingay, minsan tahimik ang bunganga niya, depende sa mood niya.

[ “Hello Isha?”] dinig kong bungad nito sa kabilang linya. Isha ang tawag niya sa 'kin para daw unique dahil siya lang ang nakatawag sa akin. Isha mula sa pangalawang pangalan ko na Yakiesha.

“Hi Eiya” masiglang bati ko. Gano'n din ang dahilan kung bakit Eiya ang tawag ko sakanya, gusto ko ay kakaiba ang tawag ko sakanya dahil bestfriend ko. Kaya Eiya ang tawag ko ay dahil Zycheia ang pangalan niya.

[“Why, do you need anything?”] tanong niya.

“Are you busy?” tanong ko rin sakanya.

[“Hindi naman, nagbabasa lang ako ng libro”] aniya, napangiti naman ako dahil alam na alam ko na wala naman siyang ibang ginagawa maghapon kung hindi basahin ng basahin ang sangkatutak niyang mga libro.

“Pwede mo ba 'kong samahan, bibili lang ako ng school supplies, malapit na rin ang pasukan eh” sabi ko. Narinig ko ang kaluskos dahil sa ibinaba niyang libro.

[“Osige mag aayos lang ako, bibili na rin ako ng kakailanganin ko this school year”] bulalas niya, napangiti naman ako. [“Magpapaalam na rin ako kay mama, sunduin mo na lang ako dito sa bahay hehe”] sabi niya, natawa naman ako.

“Sige, bye” paalam ko at binaba ko na ang linya.

Nagsuot lang ako ng simpleng faded jeans at white t-shirt. Nagsuklay lang ako ng mabilisan at hinayaan ko na lang na nakalugay ang medyo mahaba kong buhok. Wala akong nilagay ng kahit na ano sa mukha ko dahil hindi ko hilig ang maglagay ng kolorete sa aking mukha. Hindi ako sanay. Lumabas ako sa kwarto at nagpaalam kay mommy na aalis na, hiniram ko ang kotse niya para hindi nakami mag commute pa ni Eiya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin