Ano ba yan, epal naman eh.
Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga nagdaang nangyari sa pamilya namin. Kahit pa tanggap ko na ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko maiwasang mangulila. Hindi ko maiwasang maghanap ng buong pamilya, kahit pa alam kong hindi na ito maaring magyari
"W-what is it again? hehe" nahihiyang tanong ko sakanya, sumimangot naman siya.
"Someone told me na may crush ka daw sa school niyo, tama ba 'ko Yakiesha?" tanong niya kaya naman lumaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Ewan ko ba sakanya at Yakiesha ang tawag nito sakin, ayaw na ayaw ko pa namang tawagin ako sa akin ikalawang pangalan. Noon pa man ito na ang tawag niya sa'kin kaya naman ay nasanay na rin ako roon.
"Eh!?" tanging nasabi ko dahil nahihiya pa rin akong sagutin ang tanong niya. Nangangapa ako ngayon ng sagot para rito. Umurong na halos ang dila ko.
"Tama ba ako Yakiesha?" ulit niya na may halong pang aasar.
Nakakinis naman 'to oh! linshak ka Kio.
"Y-yeah, pero 'di naman niya ako gusto, ang sungit sungit sungit niya akala mo naman napaka gwapo niya, para siyang pinaglihi sa. sama ng loob dahil laging galit" nakasimangot na bulalas ko habang inaaala ang masungit na mukha ni Kayden.
"Sus gusto ka non, you're pretty, gusto mo bang pagselosin natin siya bukas?" nanlalaking matang sabi niya habang tatawa tawa.
"Tsk, whatever" pasiring kong sabi kaya naman tinawanan niya 'ko.
"Leave it to me, trust me" he winked at me saka ngumisi.
Linshak! grr!!!
"Okay goodnight" paalam ko na lamang sakaniya dahil hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya
"Goodnight twin sister" aniya
Lumabas ako ng kwarto niya atsaka ako bumaba ng sala para uminom ng gatas. Bumalik ako ng kwarto ko, tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may importante bang mensahe rito. Nang wala akong mabasa ay natulog na 'ko.
KINABUKASAN lunes ng umaga.
Nagising ako dahil sa katok ng kung sino, alam kong umaga na kaya tiningnan ko ang alarm clock ko at 6:00 A.M pa lang, 8:00 A.M ang klase ko o sabihin na nating klase namin.
"Hey Yakiesha are you awake?" alam ko na kung kaninong boses iyon sa tapat ng pinto.
"Oo Kio, mag aayos lang ako saglit" inaantok na sabi ko, tumayo ako kahit tulog na tulog pa ang diwa ko, naligo ako at nagbihis katapos ay bumaba na rin ako.
"Breakfast is ready" si mommy
"Goodmorning" sabi ko sakanilang dalawa
"Hmm, morning" ani Kio at sumimsim sa kaniyang kape.
"Ayos na ayos ah" sabi ko sakaniya ng mapansin kong gwapong gwapo itong nakaayos na, bagay na bagay ang kaniyang uniporme.
"Yes of course, by the way sabi ni mommy pareho tayo ng section, para raw makasama nalang kita" nakangiting ani nito sa akin, napasimangot naman ako.
"Edi nadagdagan nanaman ang mga lalaki sa'min niyan? lilima na lang nga kaming mga babae don eh" sabi ko habang kumukuha ng makakain ko para sa almusal.
"Huh!?" takang tanong nito.
"Tsk, mahabang story kambal, kamalas malasan lang kasi mayayaman nga at gwapo ang mga nando'n napaka matapobre, mayabang, pasaway at mahihina ang utak, nakakinis" mahabang reklamo ko sakanila.
"Hey don't say that" natatawang sabi ni Kio
"Nakakairita, bakit ba kasi ako ang nilagay nila doon" sabi ko at kumain nalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay mommy saka sumabay kay Kio papasok ng school.
Nasa gate pa lang kami ay dinig mo na ang bungisngisan at bulungan ng mga istudyante lalo na ang mga babae.
"Omo Iya look at him he's so handsome, I think he's a transferee!!"
"Yeah right he's goddess!"
"He's cute!"
"I love him na"
"Me too"
"But wait look who's with him"
"Tsk nakakairita talaga yang Heira na 'yan"
Sumimangot naman ako dahil don, nilingon ko si Kio na panay pa cute sa mga madadaanan namin.
"Why?" natatawang tanong niya
"Wala, sikat kana ah, unang araw pa lang andaming na nagkacrush sayo." sabi ko. Gwapo si Kio kaya hindi na ako nagtataka.
At syempre kakambal ko siya kaya maganda ako, ano ba ehe.
"Hayaan mo na sila, let's go?" aniya saka hinila ako papasok ng classroom.
Nang makapasok na kami ay halatang nagulat ang lahat dahil sa presensiya ng kakambal ko.
Lumapit ako kina Alzhane, Zycheia, Vance , Kenji, at Lucas na takang takang naman ang mga mata at nakatingin ko sa kasama ko.
"A-ah hi guys, goodmorning" bulalas ko at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Wala namang mali. Naninibago lamang ako sa mga tingin nila sakin o sabihin na natin dito sa kakambal ko
"Goodmorning" ani Zycheia
"Kare wa dare?" tanong ni Kenji, as usual kumakain nanaman at nakanguso na parang bata. Isip bata talaga tsk.
Translation: "Sino siya?"
"A-ah he's Akio Fynn Montebello, h-he's my—"
"I'm her boyfriend" pigil ni Kio sa sasabihin kong nagkanda utal-utal na, kinindatan ako nito at ngumisi. Ako nama'y natigilan dahil sa sinabi nito sa mga kasama ko.
Baka kung anong isipin ng mga 'to sakin jusme ka Kio. Alam ko na ang ginagawa niya, hay, siraulo talaga 'to kahit kelan. Nanlalakihan ang mata ng mga kasama namin.
"WHAT THE HELL DID YOU SAY?" sigaw ng kung sino sa labas, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung kaninong boses iyon nanggaling. Nilingon ko ito at bakas sa mata niya ang inis at GALIT.
Kayden...
(A/N: Paano kaya malalagpasan ng mga karakter ang mga mangyayari sa buhay nila? Makakaya ba nila 'yon o sa huli ay susuko sila? May mararamdaman ba silang kakaiba o sadyang paglalaruan lang sila ng tadhana?)
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
PROLOGUE
Start from the beginning
