Hindi nagsasalita si Elmo. Tahimik na nakatingin si Julie kay Elmo at nag aantay ng sagot. Umupo si Elmo at nag unat ito. Tumingin siya sa malayo bago tumingin kay Julie.

Hinawakan niya ang kamay ni Julie.

"Tara, kain tayo?"

"Ha?"

"Kain tayo." Tumayo si Elmo.

Hinila ni Elmo si Julie. Hiniram ni Elmo ang bike ng isang binata dun.

"Sakay."

"Ha?"

Ngumiti si Elmo. "Sabi ko sakay." At pinaupo niya si Julie sa harap niya.

Nag bike sila papunta sa di kalayuan na mcdo. Umorder si Elmo ng burger,fries, at ice cream. Nasa isang sulok lang sila at wala masyadong tao ba nakaupo dun.

"Kain na." Pinagsilbihan ni Elmo si Julie.

"Moe.." Nagtataka na kasi si Julie.

"Isang order lang ang binili ko. Hati na tayo dahil alam kong hindi mo uubusin."

"Elmo.."

"Pagkatapos nga pala natin kumain pumunta tayo sa simbahan."

Pinagmamasdan lang ni Julie si Elmo. Malapit ng matapos si Elmo sa pagkain niya samantalang siya naman hindi pa.

"Ayos ba?"

"Ang alin?"

"Yung pagkain."

Tumango naman si Julie. Natapos na sila at naisipan ng umalis. Tulad ng sabi ni Elmo nagpunta sila ng simbahan. Mabilis ang oras at hindi nila namalayan na late na din pala. Nakaluhod sila ngayon sa harap ng altar.

"Moe, ano kaya ang pinagdarasal mo?" Gusto sana itanong ni Julie kay Elmo.

"Tara na?"

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa bubong." Bumalik sila sa bubong ng bahay nila Julie. Nauna si Julie dahil sabi ni Elmo susunod nalang siya. Nagulat si Julie ng biglang may bulaklak na inabot sakanya si Elmo.

"Moe?"

"For you."

Nakatingin lang si Julie kay Elmo habang tinatanggap ang bulaklak na hawak nito. Binigyan ni Julie si Elmo isang napaka gandang ngiti.

"Thank you."

Humiga ulit si Elmo sa tabi ni Julie. Tahimik ulit sila at walang nagsasalita. Kung titingnan mo parang hobby na nga nila ito.

"Dinala ko na din siya sa mcdo dati."

Napatingin si Julie kay Elmo.

"Haha! Alam mo kung anong nangyari? Nag-away kami. Paano ba naman ayaw daw niya sa mga fastfood restaurant, ang gusto niya sa fancy restaurant."

Nakikinig lang si Julie.

"May isa pa, niyaya ko na din siyang mag bike noon. Alam mo ang sinabi niya sakin? Haha..hindi daw bagay sakanya na sumakay sa bike. Hindi daw yun pwede sa magagandang babae tulad niya."

Pilit na ngumiti si Julie. "Pero kahit ganun mahal mo parin siya."

Umupo si Elmo. "Can I tell you a little secret?"

"Ano yun?"

"I broke up with her."

Hindi alam ni Julie kung ano ang irereact sa sinabi ni Elmo. Alam niyang hindi nagbibiro si Elmo pagdating sa mga ganitong usapin.

"Uhm.."

"Lauren. She's not my girlfriend anymore or maybe she never been my girlfriend even before." Pag amin ni Elmo.

"Elmo."

"You know what's funny? Kahit isang sakit wala akong naramdaman nung nag break kami. Diba dapat maging malungkot din ako kahit papaano? Pero bakit ganun? Wala."

Tahimik lang si Julie. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Then, you know what? I realized something. Ok lang na mawala siya wag lang ikaw." Tumingin si Elmo kay Julie.

"Alam ko na yung nararamdaman mo sakin from the very start pero sinabi ko sayo na may tamang panahon para sa ating dalawa."

"Matagal ko ng gustong itanong sayo kung bakit mo nga ba sinabi sakin yun? Umasa ang puso ko na kahit papaano may puwang ako dyan sa puso mo kaya mo nasabi ang mga bagay na yun." Seryosong sabi ni Julie.

Ngumiti si Elmo kay Julie. "Sinabi ko yun sayo para malaman mo na hindi ko kaya na i-risk ang friendship natin kapalit lang ng nararamdaman mo sakin o nararamdaman ko para sayo."

"Ibig sabihin.."

"Matagal na kitang mahal Julie. Siya ang kasama ko pero ikaw ang nasa isip ko. Siya ang girlfriend ko pero mas gusto ko na ikaw nalang ang girlfriend ko. Girlfriend ko siya pero mas pinipili ko na makasama ka kahit ang gawin lang natin ay tumahik buong magdamag." Natawa si Elmo.

"Bakit?" Tanong ni Julie.

"First time ko na ma-appreciate ang katahimikan. Party boy ako, inaamin ko yun pero kapag ikaw ang kasama ko? Kahit magbasa ka lang buong magdamag ng libro sa harap ko, ayos lang basta kasama kita."

Napangiti si Julie. Matagal na niyang sinabi kay Elmo na gusto niya ito ng higit pa sa kaibigan. Kung papipiliin ka nga naman kung friendship ba o love? Aba! Talagang mahihirapan ka. Umasa siya kaya nga eto na, nagbunga na ang matagal na niyang hinihiling. Ang mahalin siya ng bestfriend niya.

Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at ngumiti.

"So, wala ka ng girlfriend ngayon?"

Tumango si Elmo. "Wala na."

Napangiti si Julie. "Mahal mo ko?"

"Matagal na."

Tumingin sa ibang direksyon si Julie at halatang pinipigil ang kilig. Totoo. Kinikilig siya, kapag Elmo kasi ang usapan hindi na mawala ang kilig na nadarama niya.

"Ayos lang ba kung tanggihan ko ang offer mo na magpanggap na maging boyfriend mo dahil ang gusto ko totohanin ito?"

"Hindi ba parang ang bilis naman ata?"

"Gusto mo bang maghintay ako?"

Tumingin si Julie kay Elmo. Ngumiti ito at bahagyang lumapit sa binata.

"Can I kiss you?"

"You? Ikaw ang hahalik?"

"Ayaw mo?"

"Gusto ko kaya lang dib--"

She kissed him. A sweet kiss. He kissed her back.

"No more questions. I love you too, Elmo."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now