Paalam

140 6 3
                                    


Mahirap nang buuin ang isang bagay na ikaw mismo ang sumira.

Mahirap nang balikan ang isang taong nilunod mo sa luha.

Isang sulyap sa malayo, mga pigil na buntonghininga,

Napapaisip. Bakit nga ba pinakawalan pa kita?

Ika'y binalewala, ngayon ako'y nangungulila,

Kung maaari lang bumalik, itatama ang pagkakasala.

Buburahin ang lahat ng masasamang alaalang idinulot ko,

Kahit wala nang pag-asang maibalik ang dating tayo.

Laman ka ng tulang naging piping saksi,

Sa mga salitang hindi ko na nasabi,

Kaya naman ngayo'y hindi ko maikubli,

Kalungkutan ko ang iyong kasiyahan, kung kaya't hindi mapakali.

Pinulot muli ang mga pinunit na larawan,

Sa bawat piraso'y mababakas, na ako ang unang nang-iwan.

magdamdam ay walang karapatan, ngunit bakit nasasaktan?

Sana hindi na lang sinabi, subalit Paalam!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon