Nang Dahil Sa'yo

700 7 1
                                    

Nang Dahil Sa'yo

by aeiouxz

simula nang makilala ka,

hindi ko inakalang muli akong iibig pa,

binuhay mong muli ang puso kong nangungulila,

inaliw ang damdaming kaytagal na nangamba.

simula nang matantong minamahal ka na,

ngumingiti ang mga ulap, tila nanghaharana,

umaawit ang paligid, ang puso ko'y ano'ng saya,

laman ka ng panaginip, pangarap ka sa t'wina.

dahil sa'yo, muli akong naniwala sa hiwagang taglay ng pag-ibig,

sa simpleng ngiti mo'y lumiliwanag ang buong daigdig.

sa t'wing maririnig ang malamyos mong tinig,

tila ba ang mundo ko'y masayang humihimig.

ikaw ang bawat segundo ng aking isang oras,

ang bawat araw ng maliwanag kong bukas,

ang maningning na talang ang ganda'y 'di kumukupas,

pag-ibig ko'y mananatili, hinding-hindi na lilipas.

030115

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon