One Last Song - V

598 5 0
                                    

N/p: Paalam na by Jay R

Pagbigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa'yong minamahal kita,

Ang mawala ka sa buhay ko'y hindi ko makakaya.

Alam mo namang ikaw lang ang minahal ko sa simula pa lang di ba?

Lahat ng ipinakita ko'y hindi pa ba sapat ha?

Ang takot na muling masaktan ay kalimutan mo na,

Muling buksan ang puso't hayaan mong mahalin kita.

***

Nakakatakot mang umibig muli, bakit hindi mo pagbigyan ng pagkakataon ang taong nagmamahal sa'yo. Malay mo siya talaga ang nakatadhana para sa'yo.

 ****

N/p: Kahit Kailan by Southborder

Kung saan ka man dinala ng iyong mga paa,

Asahan mong hindi magbabago ang aking nadarama.

Hindi ko man nasisilayan ang nakaaakit mong mukha,

Ibibigay ko pa rin sa'yo ang buhay ko't kaluluwa.

Tamang panahon ay darating din para sa ating dalawa.

"Kasabay ba ng paglayo mo'y ang pangako mong kalilimutan mo na siya?

Ang nakaraan ninyo'y hindi mo na ba maaalala?

Itinuon mo na kaya ang pagmamahal mo sa iba?"

Lahat ng tanong na iyan ay palagi kong dala.

Araw-araw wala akong iniisip kundi ang magbalik ka.

Ngunit bakit parang umaasa lang ako sa taong kailanma'y hindi na magpapakita?

***

Kung minsan, naiisip nating ang paglayo ang pinakamabisang paraan para makalimot. pero paano na ang mga taong naiwan mo? Titigil din ba ang kanilang mundo sa iyong pagkawala?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon