Babalik Ako

350 7 0
                                    

Babalik Ako
-aeiouxz wp

Babalik ako
Sa oras
Na alam Kong
Okay na ako.

Babalik ako
Sa oras na
Tanggap ko na
Ang lahat.

Sa oras
Na makakaya
ko nang ngumiti
Kapag nakita ko kayo.
Magkahawak kamay.
Masaya.
Samantalang ako,
Pasulyap na nakatingin sa inyo
Nag-iisa,
Napag-iwanan ng mundo.

Babalik ako.
Sa oras na
Alam Kong Hindi na ako tanga.
Sa oras na Hindi na ako umaasang
Magiging tayong muli.
Sa oras na kaya na kitang harapin.
Mata sa Mata.
Puso sa puso.

Babalik ako.
Sa oras na alam Kong
BUO na ako.
Sa oras na Hindi ko na kakailanganin pa ang iyong atensyon.
Sa oras na wala na sa isip ko ang NOON.
Sa oras na Hindi na ako nagsasayang ng panahon.
Sa kaiisip sa iyo.
Sa mga katangahang ginawa ko.
Sa mga pambabaliwala mo.
Sa mga oras na naging bato ako.

Babalik ako sa oras na alam Kong TAMA na ang lahat.
Sa oras na Hindi na Hindi na ako iiyak.
Sa oras na Hindi na ako wasak.
Sa oras na kaya ko nang mabuhay nang wala ka,
Sa oras na kaya ko nang mag-isa...

Mawawala man ako.
'Wag kang mag-alala.
Mas mabuti na rin yun.
Para makapag-isip ako.
Para mahanap Kong muli ang sarili ko.
Para buuin kong muli ang puso Kong minsan mo nang winasak.
Para sa muli nating pagkikita,
Hindi na ako ang dating tangang umasa sa'yo,
Hindi na ang dating ako na masyadong nagpabulag sa matatamis mong ngiti.
Hindi na ang dating ako na nagtitiis, at iniwan mong sawi.

Paalam na muna sa ngayon.
Hayaan mo,
Okay lang ako.
Magiging okay din ako.

:')


Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon