PAANO KAYA?

1.7K 33 5
                                    

PAANO KAYA?

 

 

 

Paano kaya kung walang buntot ang isda?

magagawa ba niyang sa agos ay sumagupa?

siya'y makakikilos, makalalangoy pa kaya?

marahil ay papadparin na lamang ng along walang awa.

 

 

Paano kaya kung walang pakpak ang ibon?

magagawa ba niyang sa lakas ng hangi'y umahon?

siya'y makalilipad, makakakampay pa kaya?

marahil ay tatangayin na lamang ng hanging mapaminsala.

 

 

 

Paano kaya kung sa gabi'y walang buwan?

Magliliwanag pa kaya ang sandaigdigan?

Marahil ay laganap saanman ang kadiliman,

at ang mga tao'y magkakabungguan.

 

 

 

Paano kaya kung ang mundo'y walang tubig?

sa mga halama'y ano ang ididilig?

marahil ay walang mabubuhay ni mangingibig,

na tumaha't manirahan dito sa daigdig!

 

 

 

Paano kaya kung di lumuluha ang mata?

Marahil ang dibdib ng tao'y parang isang bomba.

hindi mailalabas lahat ng sakit na dala,

at pati ang puso't isip ay puno ng problema.

 

 

 

Paano kaya ako kung walang ikaw?

marahil ako'y isang silid na walang ilaw!

Paano kaya kikilos, paano mabubuhay?

Kung ikaw na buhay ko'y hindi kaulayaw!





4-4-13

 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon