Salamat Inay

802 8 0
                                    

Salamat Inay

 by aeiouxz

Sa pinakadakilang tao sa buong mundo,

Ako’y saludo at sa iyo’y taas noo.

Lahat ng ginawa mo’y pasasalamatang totoo,

At itatanim sa puso’t isip magunaw man ang mundo.

Mga nagawang kamalian, iyo sanang pagpasensyahan.

Ako may nalilito, ako’y naguguluhan.

Talunin ang kaba kapag sasabihing “Mahal Kita” ay di ko man lang magawa pagkat ako’y naiilang.

Inay, ngayong araw mo, hayaan mong gawin ko ang lahat para mapasaya ka.

Naipong konting barya, ibibili ko ng kamiseta.

Alam kong matagal mo na itong hinihintay, alam kong sa ngiti ko’y nasasabik ka,

Yayakapin kita’t pasasalamatan, ipagsisigawang ikaw ang pinaka da best na Ina!

Salamat Inay! Sana, napasaya kita!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon