SINO KA?

1.9K 33 11
                                    

 SINO KA?

 

 

Ako man ay nagtataka kung bakit ako naririto,

Gumagalaw, humihinga, umiiyak, tumatakbo.

Sino sila, sino ako, tayong lahat ay ano?

Mapalad ang bansag sa kanya, ang tawag ay tao.

 

 

 

Taong may buhay, may kamay, puso't isip,

Naglalakbay, naglalayag, sa isang mundong kaysikip!

Nadadapa, bumabangon, nakadarama ng sakit.,

Ang buhay ba niya'y lagi na lang paulit-ulit?

 

 

 

Pagkatapos daw ng lungkot ay mayroong saya,

Pagkatapos ng ulan, araw ay sisikat pa!

Sa kalaliman ng dilim, may liwanag na makikita,

sa laot ng kabiguan, ay may matatagpuang pag-asa.

 

 

 

bakit pa niya kailangang mabigo’t masaktan?

bakit pa kailangang paa niya’y masugatan?

bakit pa kailangang huminga’t lumaban?

kung sa dakong huli’y masasawi rin lamang.

 

 

 

siya’y isang tao, bukod tangi sa lahat,

mahal ng Diyos, puspos ang pag-iingat.

Maliit man siya, alikabok man ang kasukat,

Siya’y itinangi ng Diyos, kinalinga ng tapat.

 

 

 

Ngayong alam na natin kung sino ang tao,

Hayaan mong ibato ko sa’yo ang tanong sa tulang ito,

Ikaw ay sino, ano siya, ano tayo?

Ano ang dahilan mo kung bakit ka naririto?

 

 

 

Ikaw ba yaong taong madaling sumuko?

o yaong taong lumalaban kahit paa’y nagdurugo.

Ikaw ba yaong taong laging sawi’t laging bigo?

o yaong taong bumabangon at hindi humihinto.

 

 

 

Tao’y isang puno sa panahon ng taglagas,

Nawawalan ng dahon, natutuyo’t kumukupas,

Natutumba’t nabubuwal, napuputol ang ugat,

Ngunit muling mamumulaklak pagdating ng bukas!






A/N: HUI>... IKAW..... SiNO ka baga/?? alin ka sa mga taong nabanggit sa taas/?? ano ang dahilan mo kung bakit ka nandito??? hahahhahah


nababaliw na ako.. hehheh kinakausap ko ang sarili ko kagabi kung sino nga ba ako kaya nakagawa na naman ako ng tulang WALANG SENSE???


EWAN ko ... kapal na nga ng eyebag ko, pwede nang maging packbag ni dora... hahahhah



siya sige, salamt  po sa pagbabasa.. napangiti niyo na naman ako.. hahahha



4-2-13/12:35am


ZZZZZZZZzzzzzzzz.... :)

 

 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon