SALAMAT ITAY!

1.2K 12 0
                                    

SALAMAT  ITAY!

Ni supladongtorpe09

Saksi ang buwan sa matatayog mong pangarap,

Ang bituin, ang araw, pati na ang mga ulap.

Lampas sa kamalayan at hindi maapuhap,

Alalalong baga’y “imposible” ang kasukat.

Madilim mong  nakaraan ngayo’y nagliwanag,

Along malalakas ang iyong kalasag,

Tukso’t mga problema ika’y hindi nagpatinag!

Ikaw man ay hirap sa’yong mukha’y nakabalatay,

Tunay na mga ngiting nakapapawi ng lumbay,

Araw ma’y lumipas, tayo ma’y magkawalay,

Yakap mo’t mga payo, sa’king dugo’y mananalaytay.

A/N: maraming maraming salamat sa itay ko.. hindi ko magagawang maging matatag kung wala siya sa buhay ko...

MAHAL NA MAHAL KITA ITAY!

6-4-13

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon