Ikaw ang Aking Tula

2.1K 5 1
                                    

Ikaw ang aking Tula
ni supladongtorpe09



Hindi ko alam kung paano   sisimulan.

Itong tulang hindi  malirip kung ano'ng kahihinatnan.

Balisa ang aking isip, ang puso'y sugatan.

Kaya't pasensiya na kung di mo 'to magustuhan.

 

Hindi ko rin malaman kung sa'n magmumula,

Ang bwat salita s pangit kong tula.

Ilan ang sukat, ano ang tugma?

Aba'y ewan ko... Bahala na nga!

Ano kaya kung ikaw ang maging bida sa bawat saknong,

Ang maging sagot sa napakarami kong  tanong.

Ang maging salita sa bawat taludtod.

Upang di na mabahala kung ika'y malulugod.

 

Tila napakahirap hanapin ng nararapat na salita,

Na naaangkop ilarawan sa iyong maamong mukha,

Paano ka ihahambing sa maningning na tala,

O kaya nama’y iuugna’y sa awit ng makata.

Ang iyong mayuming pagkilos ang salamin ng bawat pantig,

Animo'y piping pusong kaybilis ng pintig,

Ang ritmo at moda ay ang iyong matamis na tinig,

at ang bawat taludtod ay nagsasabing kita'y iniibig!

Sa bawat pagkislap ng iyong mga mata,

Isang magandang tugma ang aking nakikita,

Sa iyong pagngiti mga tayutay ay nalikha,

Masining, mahiraya, tila nanghaharana!

O mahabaging langit, bakit pa  kailangang magwakas?

Itong tulang salamin ng pag-ibig kong wagas!

Nawa sa sandaling ito'y kaniyang mamalas,

Mapagtanto niyang pagmamahal ko'y  mananatili hangga't mayroong bukas!

***** ikaw ang aking tula., ang pinakamagandang tulang aking nabasa.*****



Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon