Pamamaalam

616 6 0
                                    

 Pamamaalam

By aeiouxz

I

Pagluha ang tugon sa’yong pamamaalam.

Pinipilit na ngumiti kahit ako’y nagdaramdam.

Sinasalo ng mata ang bawat patak ng ulan,

Dumadamay sa hinagpis ng pusong sinugatan.

II

Bumabalik sa isip ang alaalang nawaglit.

Sinasapo ang bibig na nangangatal, nanginginig.

Bakit nga ba hinayaan ng oras na malamon ng inggit,

Tinatanaw sa ulap ang mukha mong kayrikit.

III

Pagtakbo ng oras ay parang kaybilis,

Tila kapon lang nang namamadan pa ang labi mong kaytamis.

Kinikitil ang pag-ibig na nadama sa’yong piling,

Lason pala ang tinig ng iyong paglalambing.

IV

Pagtulo ng luha ay ‘di na mapigilan,

Tila isang ilog na umaagos ng walang katapusan.

Minahal kita ngunit bakit ako’y nilisan,

Hindi na napigilan ang ‘yong pamamaalam.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon