Dahan

285 8 6
                                    

Dahan-dahan. Paunti-unti.
Mga sakit ay di na maikubli.
ang natitirang pag-asa'y tuluyang nagapi.
Wala nang nalabi, nasa isang sulok, humihikbi,
Pagmamahalan nati'y sa wakas nauwi.

Dahan-dahan mo akong sinaktan.
Paulit-ulit na di ko na ninais pang muling tumibok ang puso kong luhaan.
Nalusaw. Napulbos. Nauhaw. Naubos.
Natangay ng hangin, tila mga ibong napagod.

Tahimik. Nag-iisip. hindi ko maunawaan.
Ibinigay ang lahat ngunit bakit pinaglaruan?
Nasayang. Wala man lang kalaban-laban.
Hindi na nga ba mapipigilan yaong katapusan?

Pilit kong inuunawa pero sadya nga talagang kay likot.
Kalungkuta'y bumabalot, bumabalik ang kirot.
Malayo pa ang tatahakin sa landas ng paglimot.
Wala nang halaga, mga alaala'y sinisimot.

Paalam. Malaya ka na.
Bagama't kaysakit, kakayanin ko na.
Hindi para sa'yo kundi para sa sarili ko,
At para sa mga taong nagmamahal sakin ng totoo.

31516
...
Minsan, kailangan mong mauntog at mabukulan bago mo malamang duguan ka na. Na kailangan mo na s'yang bitawan, na masyado ka nang tanga. 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon