Hindi Ako marunong sumulat ng Tula

979 4 1
                                    

Hindi Ako marunong sumulat ng Tula

Ni supladongtorpe09

Hindi ako marunong

sumulat ng tula.

Hindi ko alam kung paano pag-uugnayin

ang bawat salita.

Hindi ko alam kung paano gagamitin,

Ang mga itinatagong damdamin,

Sa tula ko’y hindi mo masasalamin.

Paano ba makagagawa

Ng perpektong tugma?

Mga taludtod na mahiwaga,

At mga saknong na mahaba?

Paaano pagkakasyahin

Ang mga umaapaw na ideya,

At paano pagsasabayin

Ang pagluha at pagtawa?

Pasensiya kaibigan

Sa walang kuwenta kong tula…

Hindi talaga ako marunong gumawa nito,

Hindi ko rin nga  alam kung saan ito tatakbo.

Basta… Ewan ko..

hindi nga kasi ako marunong Gumawa ng tula,

Pasensiya sa pagsasayang mo ng oras,

Sa pagbasa nito ha?

Hahha. Pasensiya.. wala lang akong magawa. Hahha.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon