HANGAL

958 10 2
                                    

HANGAL

ni supladongtorpe09

Pinaniwala mo ako,

Binulag at pinaglaruan.

Pinakagat sa’yong pangako,

Na sabi mo’y walang hanggan.

Bakit ngayo’y wala nang maaninag

Kundi ang huwad na liwanag.

Gumagapos sa aking dibdib,

Na animo’y isa akong bihag.

Ang sinabi mong pagmamahal

Ay isa palang huwad.

Ginawa mo akong hangal,

At iniwang bulag.

Huwag kang  mag-alala

Kung ako’y iiwan mo na.

Pipilitin kong maging Masaya,

Kahit alam kong hindi ko kaya.

Ibibigay ko na sa’yo

Ang hinihingi mong kalayaan.

Alam kong mahal mo’y di ako,

Nauunawaan ko naman.

Kahit masakit

ay aking kakayanin.

Ang malayo sa piling mo’y 

pipilitin kong tanggapin.

Kung sa kanya ka masaya’y

wala akong  magagawa.

Hindi na ako magpupumilit pa’t

Mga luha’y di ipahahalata.

Susun-susong hirap ng dibdib,

Mababakas mo sa ‘king  matang sa luhay tigib.

Puso’y parang umaatungal,

Nagmumula pa sa madilim na yungib.

Hindi mo na sana ako pinaniwala sa’yong mga pangako.

Hindi mo na sana ako pinaibig kung ika’y lilisan din at lalayo.

Ngayo’y wala na ‘kong magagawa kundi ang sumuko.

Limutin ang alaala’t itapon ang aking pagsuyo.

Paalam na sa iyo aking mahal.

Maging Masaya sana kayo’t pagmamahala’y magtagal.

Matatangap ko rin ang  ating kinahinatnan.

‘wag kang mag-alala dahil kakayanin ko naman!

*** It really hurts not to be caught by the one you loved when you fall for her.***

 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon