Dumi sa Mukha

445 8 2
                                    

Dumi sa Mukha

by aeiouxz

Dungis  ng iba’y kaydaling mapansin.

Mga mali nilang gawa ay kaydaling punahin.

Kaydaling manghusga, salita’y kaytalim,

Gayung sariling pagkakamali’y hindi napapansin.

Sa kakulangan ng iba’y kaydaling magbitiw ng maanghang na salita,

Kung maitama’y kay inam, animo’y puro tama ang ginawa.

Ni hindi man lang inisip kung makakasakit na,

Palibhasa tingin sa sarili’y perpekto’t walang maipupula.

Ikaw na'ng perpekto, sige ikaw na!

Ikaw na ang magaling, ikaw na ang palaging tama!

Oh ano, masaya ka na ba o kulang pa ang papuri sa'yo,

O siya sige, pagagawan kita ng monumento.

Hindi porke't magaling ka'y ikaw na ang laging tama.

Hindi porke't edukado ka'y may karapatan ka nang manghusga.

Aanhin mo pa ang dunong at kasikatan mo,

Kung karamiha'y naiinis sa baho ng ugali mo.

Bago mo punahin ang dungis sa mukha ng ibang tao,

Siguraduhin mo munang wala kang dumi sa mukha mo.

Huwag mabulag sa labis na tiwala’t bilib sa sarili,

Nang hindi ka mag-isa sa bandang huli.

101414

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon