Marahil

176 3 0
                                    

Hindi mabilang ang ngiti buhat nang ika'y makilala.
Sa unang pagkakatao'y nakadama ang aking puso ng di masukat na saya.
Hindi maipaliwanag, sa twina'y natutulala
Hindi mapakali't palaging balisa.

Unti-unti akong nahulog sa taglay mong kagandahan.
Itong puso't isip ko, ikaw lang ang laman.
Sa mga awit ng ibo'y naririnig ang 'yong pangalan
Maging sa mga ulap, mukha mo'y namamasdan.

Marahil ay umiibig na nga ang pusong dati ay naiwan
Ngayon, handa na akong muling magmahal.
Hindi ko naiisip na muli pang masaktan,
Basta masaya ako, sa piling mo hirang.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon