Pagsuko

888 7 2
                                    

Pagsuko

by aeiouxz

Pagsuko ang tanging nasa iyong isip.

Ang lahat ng bagay sa mundo, ang tingin mo ay pangit.

Ginugupo ang iyong puso ng mga dusa’t pasakit,

Sinisisi ang sarili’t sinusumpa ang langit.

Ang lahat ng tao sa buhay mo’y iyong binabaliwala,

Ika’y sa malayo nakatingin, palagi kang nakatulala.

Ang pagsilang sa iyo’y itinuturing mong sumpa,

Nawawalan ka ng pag-asa, rumurupok, nanghihina.

Ang Panginoon ay mas malaki sa kahit na anumang sakit.

Sa isang pitik ng kaniyang kamay, magliliwanag ang langit.

Sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig,

Kaya niyang gupilin ang nararamdaman mong hinanakit.

Huwag mong isiping nag-iisa kang lumalaban sa iyong pagsubok,

Nandito lang ako sa iyong tabi, dinaramdam din ang iyong himutok.

Malabo man ang pag-asang ating pinaghahawakan,

Hinding-hindi ka iiwan, o aking kaibigan.

Kaibigan, umasa ka lang at magtiwala sa kaniya,

Huwag kang mabahala, huwag kang bibitaw sa kaniya.

Naghihintay lamang siya sa’yo, tawagin mo ang pangalan niya,

Manalig ka’t ipaubaya ang lahat at tutulungan ka niya.

Umasa ka kaibigan, na sa bawat paglubog ng araw ay may pag-asang sisikat.

Karimlan man ang nakikita’y may masusumpungang liwanag,

Oras mo ma’y paubos na asahan mong mananatili ka sa puso ko, 

Hinding-hindi ka maglalaho lalo na ang pangalan mo.

Para sa kaibigan kong may mabigat na pinagdadaanan ngayon. kaya mo 'yan!

7-3-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon