Dati

591 8 0
                                    

 Dati

 by aeiouxz/misterpoet

Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala.

Lahat ng nangyari sa’ti’y naglahong parang bula.

Hindi na ikaw ang dating ikaw, ako pa ri’y nanatili.

At sa ating kahapon, nakagapos, nakatali.

Wala na nga bang natitirang pagmamahal diyan sa puso mo?

Tiwala ba’y di ko na maibabalik, tuluyan ka na bang magiging bato?

Sa tuwing ika’y umiiwas ako’y hindi makakibo.

Hanggang sa mamalayan ko na lang ang mga luhang tumutulo.

Dapat ba akong magsisi gayong wala akong kasalanan?

Dapat ba akong magdusa sa isang bagay na wala akong kinalaman?

Biktima lang ako, hindi ko iyong kagustuhan.

Kaya’t kahit mali, luluhod ako sa’yong harapan.

Patawad. Patawad kung hindi ko naipagtanggol ang sarili ko.

Patawad kung naging mahina ako.

Sana sa ginawa ko’y maging okay na ang lahat

Dahil para sa’yo, isusuko ko ang aking pangarap.

 10-1-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon