Ang Pagtakas

1K 8 1
                                    

Ang Pagtakas

Ni supladongtorpe09

Naguguluhan.

Nalilito.

Nag-aalinlangan,

At hindi makatakbo.

Nais kong lumaya.

Iwanan ang mundo’t mabuhay nang mag-isa.

Nais kong sumigaw na hindi ko na kaya,

At itapon ang lahat ng masasamang alaala.

Sakal na sakal na ako.

Hindi ko na alam kung hanggang saan pa titibok ang puso ko,

Nabubuhay man ako, humihinga’t  tumatakbo,

Ay para na ring patay pagkat wala nang sumasaklolo.

Tulungan mo akong hanapin ang daan palabas,

Ituro mo sa akin kung paano makakatakas.

Bigyan mo ako ng dahilan upang maging malakas,

at putulin ang tanikala sa puso na hindi ko makalas.

Tanging luha lang ang aking karamay,

Mga buntong hininga’t nanginginig na mga kamay.

Subukan mang tumayo’t ipagpatuloy ang buhay,

Iginugupo ako ng nakaraa’t animo’y isang bangkay.

Ang lamig ng hangin ay lason sa aking pagkatao.

Mukha ng aking bangungot at salamin ng pagkatalo.

Nanlalambot na mga paang hindi ko maikibo,

Nilulusaw ang pangarap kong unti-unting naglalaho.

Alipin ako ng aking nakaraan.

Walang himig ng pagbangon pagka’t ang bukas ay katanungan.

Para saan pa ba ang pagbangon at paggalaw ng orasan,

Kung ako’y nakatali sa kahapong ayaw kong kalimutan.

Tulungan mo ako.

Kailangan ko ng kaibigan.

Ilayo mo ako.

Sa bangungot na ayaw akong lubayan.

(Sawa na akong lumuha.

Magpanggap na malakas kahit puso’y nanlalata.)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon