BAKIT NGAYON PA?

1.8K 31 10
                                    

BAKIT NGAYON PA?



Dumating ka sa buhay ko,

sa maling oras at panahon.

Pinaibig mo ang pusong ito,

sa maling lugar at pagkakataon.




Ngayo'y hindi ko matanto

kung anongaking gagawin.

Mahal ako ng mahal ko,

Kahit ako sa'yo'y may pagtingin.




Ako ngayo'y gulung-gulo,

kung sino sa inyong dalawa,

Sino nga bang pipiliin ko,

at sinong iiwang mag-isa?




Minahal kita

kahit ako'y may minamahal na.

Kung sana noo'y narito ka na,

hindi na sana ako nanghihinayang pa!




Mahal kita, mahal ko siya,

Sino nga ba sa inyong dalawa?

Kung ang puso ko sana'y dalawa,

hindi na mahihirapan pa!




Kung maaari lang sanang

magmahal ng dalawa,

wala na sanang nasasaktan,

wala na sanang nagdurusa.



Sinong magpaparaya?

singong magdurusa?

siya na minahal ako noon at minamahal ako ngayon,

o ikaw na hindi ko minahal noon ngunit minamahal ako ngayon?




Kung bakit kasi ngayon ka pa dumating?

ngayong minamahal na ako't mayroon nang kapiling.

Kung sana noon pa'y nakilala na kita,

sana tayong dalawa ngayon ay kapwa masaya!




Ngayon, ang pagmamahal ko sayo'y

mananatili n lang sa tubig.

Isulat mo man dito'y mapaparam lang

at kailanma'y hindi mananaig!!!







4-5-13/ 1am




antok na... dalawang tula ang nagawa ko ngayon... hahhaha.. adik na ako!!!



gudnyt!!!


:)



Bakit nga ba ngayon ka lang dumating???

Kung noon pa, eh di sana... masaya tayo ngayon!!!


:'(

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon