Kahangalan

654 5 5
                                    

Kahangalan

by aeiouxz

Masaya ka na naman

Magkahawak kamay kayong dalawa,

Naglalakad at nagkukuwentuhan, 

Batid kong masaya ka sa piling niya.

Para lang naman akong anino mo,

Laging nakabuntot  at hindi napapansin,

Alam ko namang hanggang dito na lang ako pagdating sa’yo,

Tutubuan na lang ng ugat sa kakatingin.

Bakit nga ba sinanay ko ang sarili ko sa ganito?

Nagtitiis na lang ng sakit sa tuwing masaya kayo.

Nais kitang hawakan, mayakap at mapasaya,

Pero hindi na ata kailangan dahil may iba  ka na.

Napapansin mo ba ang pangangatal ng aking  labi,

Sa tuwing ika’y napapalapit sa aking tabi?

Ramdam mo ba ang mabilis na pagtibok ng pusong pipi,

Sa tuwing magkakasalubong tayo’y hindi  mapakali.

Araw-araw, hinihintay kita.

Oras-oras, minamahal kita.

Kung kaya’t minu-minuto, ako'y naiiwan,

Bawat segundo, ako’y nasasaktan.

Sino nga ba naman ako para mahalin mo?

Sino ako para mapansin ng isang taong tulad mo?

Isa kang maningning na tala na kailanma'y  'di maaabot,

Kaya’t heto ako ngayon, kasama’y pusong kumikirot.

Patago kitang minahal kaya’t patago akong nasasaktan.

Isa akong bilanggo  ng nakabubulag mong kagandahan.

Mahal kita pero hindi na ako aasang ito'y  masusuklian,

Ibubulong ko na lang sa hangin ang aking Kahangalan.

***

Apr. 26, 2014

12:30-12:40 pm

"Mahal kita... hanggang salita na lang yun. 

Wag kang mag-alala, tatapusin ko na ang aking ilusyon."

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon