Patawad

665 8 0
                                    

Patawad

by aeiouxz

Bakit kaya ngayong ako’y iniwan mo,

Ikaw pa rin ang s’yang nasa puso’t isip ko.

Nalulungkot nang labis, batbat ng hinagpis,

Hanggang kailan kaya ako magtitiis?

Nagtatanong kung minsan ba’y naiisip mo rin ako,

Binalikan ang  kahapong may ikaw lang at ako.

Naaalala mo rin kaya ang tamis ng pagsuyo,

At ang pait na nadama nang tayo’t sumuko.

Patawad aking mahal sa lahat ng maling nagawa,

Ipagpatawad kung sa tukso’y naging mahina.

Mga pagkakamali’y naisin ko mang itama,

Hindi na maaari pagkat mas ninais mo nang lumaya.

Saan ka man naroroo’y mag-ingat ka sana,

Nawa’y mahanap na ang taong mas karapat-dapat sa’yong pagsinta.

Tunay na kaligayaha’y matagpuan mo na sana,

Samantalang ako’y nag-iisa, sa pagbabalik mo’y umaasa.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon