Si Nanay

1K 8 5
                                    

Si Nanay...

by aeiouxz

A Mother's Day Tribute.

Siya ang pinakaunang taong tumanggap sa ating ng buong-buo,

Ang nagagalit kapag umuuwi tayo ng alas otso.

Siya ang pinakamabilis at pinakamagaling magrap kapag nagagalit,

Ang mas nasasaktan kapag nakadarama tayo ng sakit.

Siya ang pinakamagaling magbigay ng payo,

Ang tiyak na magtatampo kapag matigas ang ating ulo.

Ang ating titser, karpintero at tubero,

Ang pinakamahusay na pintor, artista at abugado.

Siya ang nagpapasaya sa atin kapag tayo'y malungkot,

Ang unang magpapangiti kapag tayo'y nakasimangot.

Siya ang taong sa atin ay walang sawang umuunawa,

Ang taong unang matutuwa kapag may nagawa tayong tama.

Siya ang namomroblema kung saan kukuha ng iyong baon,

Ang labis na mag-aalala kapag bukas ay walang malalamon.

Siya ang taong kinagagalitan natin dahil panay ang sermon.

Si nanay... siya ang pinagtatampuhan natin kapag hindi tayo pinagbigyang gumala, ang taong pinagdadabugan natin, sinasabihan ng masama (sa isip) at madalas na pinapasama ang loob at binibigyan ng disappointment.

Nahihirapan tayong magsabi ng "I Love You" sa kanya bagamat sa ibang isang buwan mo pa lang nakilala ay hindi mo na mabilang kung ilang beses mo na nasabi ito.

Madalas kang naiilang sa kanya, at ni minsan ay hindi mo pa nabilhan ng kahit mumurahing damit..

Siya ang taong kung minsan ay hindi mo sinasagot ang text o tawag lalo na't napapasarap ka sa barkada mo.

Siya ang sobrang mag-alala kapag malalim na ang gabi kung ika'y umuwi. 

At kapag nagkatampuhan at nagkasagutan ay patagong humihikbi.

Siya ang madalas magtampo kapag hindi mo sinusunod ang utos niya.

At sumasama ang loob kapag inuuna mo pa ang lakwatsa.

Simula pa lang ay nasaksihan na natin ang paghihirap niya.

Mula sa pag-aalaga sa atin nang nasa sinapupunan pa tayo,

at hanggang sa tayo ay nagkaisip at nagkamuwang sa mundo.

Siya ang unang  nakakita sa ating kahubdan, ng tunay na tayo.

Ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa atin, ng ugali, at ng ating mga katangian.

Siya ang walang sawang umuunawa at nagmamahal sa atin.

Ang nagtutuwid ng mga mali upang hindi mabulid sa kapahamakan.

Ang taong hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga ay walang ibang iisipin kundi ang kapakanan natin.

Ngunit bakit parang nakakalimot na tayo?

Simpleng "Hi" at "I Love You" hindi natin masabi sa kanya.

Natatandaan mo pa ba dati nung bata ka pa?

Sila ang unang pumalakpak at natuwa nang mabigkas mo ang "Ma" at "Pa". 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon