Wala pang Pamagat

530 5 0
                                    

Pwede ba’ng umibig nang di nasasaktan?

Maari ba’ng magmahal nang di basusugatan?

Sa mundo ng pag-ibig ay may dalawang tauhan.

May isang mang-iiwan at may  iibig nang lubusan.

Ang turing ng iba sa pag-ibig ay laro.

Pampalipas ng oras, hanap-hanap pag nagtutukso.

Walang tiyak na daan, palaging lumiliko

Panay ang pagtatalo’t madali pang sumuko.

Hindi ba nila alam na sa bawat salita nilang “mahal kita”,

Ay may isang taong tiyak na aasa?

Hindi ba nila batid na sa bawat kawalan nila ng gana,

Ay may isang taong tiyak na magdurusa.

Ang pag-ibig ay hindi isang laro na basta mo lang papasukan.

Na kapag natalo ka ay susuko ka na lamang.

Hindi ito isang bagay na kapag nagsawa’y basta na lang iiwanan

At hindi isang pagkain na kapag hindi nagustuha’y itatapon na lamang.

Maaari bang umibig nang hindi nasasaktan?

P’wes ang sagot ko’y hindi aking kaibigan.

Maaari bang umibig nang hindi nasusugatan?

Mali sapagkat kung ika’y iibig ay hand aka ring iiwan.

Ang tunay na pag-ibig ay sa puso nagbubuhat.

Sa tamang oras at pagkakataon, sa oras na tama na ang lahat.

Sapagkat kung iibig ka’y sikapin mong magpakatapat.

Iwasang maglaro, at sa tukso’y mag-ingat.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon