Alaala na Lang

593 8 0
                                    

Alaala na lang

by aeiouxz

Hindi mawari kung ilang milyong milya ang ating agwat.

Lahat sa ati’y biglang naglaho, ni hindi ko man lang madalumat.

Ika’y nasaan, nakikita mo ba ako?

Kung ika’y nariyan pwede bang tawagin mo ako?

Wala nang tinig na lumalabas, pagod na sa kasisigaw.

Wala nang mailuha’t pighati’y umaapaw.

Bakit nga ba kailangan mo pang lumisan,

Kung sa huli’y pareho lang tayong masasaktan?

Tanging sa alaala na lang ba kita masisilayan?

Mukha mo ba’y sa mga ulap na lang matatanaw?

Sa isang bubog na pagitan, ang lahat ay biglang naglaho.

Wala nang nalabi, kundi ang bilin mong huwag sumuko.

Marahil ay masaya ka na ngayon sa iyong kinalalagyan.

Samantalang ako’y naiwan na puro tanong ang isipan.

Pagkikita’y kailan, mayroon pa ba tayong ikalawang kasaysayan,

O talaga nga yatang kumupas na ang ating larawan?

**

Sugat na iniwan mo sa puso namin, kailanma'y hindi na maglalaho.

habang buhay na namin itong tataglayin, wag kang mag-alala kuya fort. :'(

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon