Nais Kong Magbalik

416 5 0
                                    

Nais Kong Magbalik

By Michael Saudan


Nais kong magbalik

Sa bayan kong nilisan.

ako'y nananabik

Na muling masulyapan.

Ang araw na nakangiti

Na nagtataglay ng init

na humahaplos sa aking balat,

Na nagpapangiti, mapagkandili

At pinapawi ang pagkauhaw

Ng aking kaluluwa.


Nais kong magbalik

Sa aking bayan.

Kung saan ang mga ibon

Ay malayang lumilipad,

Na sa itaas ng bundok matatanaw

Ang marikit na ulap,

Ang malawak na dagat

Na kumikislap na tulad ng diyamante

Sa t'wing tinatamaan ng araw.

Pinaaalab ang aking puso.

Isang apoy na hindi nauubusan ng ningas,

Umulan man o umaraw,

Ay mananatiling buhay,

Mananatili ang pag-alab.


Nais kong magbalik

Sa aking bayan,

Sa bayan ng Pinamalayan,

Sa lalawigan ng Mindoro,

kung saan nagka-ugat

Ang mga pangarap ko.

Kung saan ang bawat araw

ay tulad ng isang dula.

Isang magandang palabas

Na may halong lungkot at tuwa,

Isang magandang katha.

Na naglalaman ng mga mukhang

Nais kong makita,

Nais kong mayakap.

Nais makasabay,

Sa paglalakbay,

Sa pagpupunyagi.

sa pagsisikap...


Nais kong magbalik sa aking bayan.

kung saan ako nagmula at magwawakas.

Kung saan ang kasulukuyan ay hindi pa natatanaw,

Ngunit abot-kamay ko na.

Katulad ng aking mga pangarap,

Na dahilan ng aking paglayo.

Ngunit ipinapangakong sa pagbabalik,

Ay magpaparang sulo.

Nagliliyab,

Nag-aalab.

Matindi ang ningas,

Hindi kumukupas.

Ilang sandali na lang.

Abot-kamay ko na ang lahat.

Hindi na ako nagbibilang ng sisiw

Na hindi pa napipisa ang itlog.

Natatanaw ko na ang lahat.

Malinaw, masaya, parang nakalutang sa mga ulap,

At nakakahinga na ako nang maluwag.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon