One Last Song (Kuwentula)

805 7 0
                                    

Tuklasin natin ang mga kuwento sa likod ng mga liriko ng mga sikat na awitin. 

-aeiouxz

N/p: Mahal na Mahal by Sam Concepcion

Mula nang masilayan

Ang iyong kagandahan,

Hindi ko na maunawaan

Ang aking nararamdaman.

Lagi na lang sa panaginip ay ikaw ang laman.

Nalilito't bumibilis ang tibok ng aking puso,

Ang ika'y makita, paa'y hindi ko maikibo.

Mahalin mo rin kaya ako kung sabihin kong mahal kita?

Ako kaya'y kagalitan mo kung sasabihin kong ikaw na?

Huwag ka sanang magagalit ha?

Ako ma'y naguguluhan sa aking nadarama.

Lito at laging tulala... Pero ang tanging alam ko'y mahal kita!

***

May mga oras na mamamalayan nating mahal na pala natin ang isang tao. Lagi natin silang naiisip kung kaya't hanggang sa panaginip ay nakikita natin sila. Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya na mahal mo na siya, kung sa una pa lang ay kaibigan lang ang turing n'ya sa 'yo?

N/p: Sa Kanya by Juris

Sugat ng puso'y dala-dala pa rin hanggang ngayon,

Alaala ng nakalipas sa limot ay 'di pa rin maibaon.

Kalimutan ko man siya'y hindi ko pa rin maikakaila,

Ang puso ko'y tumitibok pa rin  sa kanya.

Ngunit hindi ko akalaing lahat ng pangako niya'y mapupunta sa wala,

Yakap niya ngayo'y katumbas na lang ng mga luha.

At di ko na nanaisin pang makita pa ang kaniyang mukha.

***

Mahal mo siya ngunit iba ang mahal niya. Sakit sa balat nun di ba? Kaya sa huli, wala kang ibang magagawa kundi ang umasa na sana dumating ang oras na ikaw naman ang mahalin niya. Pero hanggang kailan ka aasa?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon