Mum Manis I

556 6 2
                                    

Mum Manis!  (Flip-Top-an)

by aeiouxz

Sino nga ba ang mas magaling sa fliptop?

Si Jampong na pati butas ng ilong ay may tagihawat at ang amoy ng kilikili ay parang nangangagat?

o ang baklang si Nonoy na palaboy na bingot na malaking saya ang dulot?

Abangan ang kanilang pagalingan sa larangan ng fliptop.

Ang labanan ng katwiran at pagtatanggol sa kani-kanilang kapintasan.

...

 Mum Manis! (Fliptop-an)

By aeiouxz

 

Si  Jampong at si Nonoy

(Jampong: Ang Dakilang Tambay)

I

Magandang araw po mga manunuod,

Ako po si Jampong,  ang inyong abang lingkod.

Walang pangarap sa buhay kahit ang balat ko’y sunog,

Kahit ako’y tambay, sa Diyos pa rin luluhod.

II

Hindi naman sa pagmamayabang  mga kaibigan kong gwapo’t magaganda,

Ako’y habulin ng tsiks, kahit saan ay kilala.

Mga kapwa ko tambay, ang tawag sa’kin ay “boss”,

Pati na rin ng mga rugby boys, senglot at  buos-buos.

III

Ngayo’y inyong matutungayan ang aking kagalingan.

Sa fliptop na maaari na ring tawaging balagtasan.

Mga ginagawa’y itigil, ako ay pakinggan.

Sapagkat ang gwapong si Jampong ay nasa inyong harapan.

***

Nonoy: Ang Baklang Ngongo

I

Ngep ngep ngep,

Nguwag kang ngatsitsiguro.

Ngandito nga tsi Nonoy,

Ang ngaklang ngongong ngatalino.

Ngahit  ango’y palaboy nginding-ngindi ngangatalo,

Nguwag kang magtsaya, ngindi pa tsa’yo ang trono.

II

Ngahit ango’y palaboy ngaba’y ngayroon akong ngaipagmamalaki,

Ngahit ango’y bingot  ngaba’y ngindi ako ngakasimangot,

Ang dulot ko’y tsaya tsa ating manunuod.

III

Tsabihin mo lang ang anging pangalan,

Ngang lahat ay magtsatsaya at ngagtsitsigawan.

Tsikat ako ngait tsaan ngiyong paghandaan,

Ngang baklang bingot na ango ang ngagtatapon tsa’yo  tsa ngangkungan.

 Mum Manis!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon